Sunday, February 8, 2015

Pabili po! Pabili po! Anong baon mo?

Pilit kong inalala sa abot ng aking makakaya ang mga nilalaman ng blog post na ito. Sobrang saya ko lang dahil sa nostalgia na hatid sa akin ng paglilista ng mga pagkain na binibili ko sa tindahan ng kapitbahay namin at yung mga nilalagay ng nanay ko sa lunch box ko nung bata pa ako. Sa totoo lang napakarami pa at malamang may kanya-kanya rin kayong mga paborito noon kaya kung sakaling hindi niyo man nakita rito ang mga yun, feel free to comment your own list below! 1992 na kasi ako pinanganak so medyo hindi ganun ka-vintage ang listahan ko. Anyway, sabay-sabay nating sariwain ang masasarap na alaala ng ating kabataan!

Pabili po! Pabili po! 

Mabigyan lang ako ng kaunting barya na tigpipiso susugod na kaagad ako sa tindahan para mamili ng kung anu-ano. Nakahiligan mo rin kaya ang mga ito?

Haw Haw
Ito yung tinutunaw mo pa sa bibig mo hanggang sa lumiit na siya.

Mik-Mik
I just realized mukha pala siyang drug paraphernalia ano? Yung straw akala mo tooter eh. Haha! 
Sino bang hindi naubo sa paghigop nito diba?

Choyo Choyo
Sino bang makakalimot dito na parang nasa lalagyan ng jelly ace tapos may maliit na kutsara?

Stay Fresh
Hindi ko ba malaman kung bakit pinapapak natin 'tong mga bilog na'to noon. 
Hindi ko sigurado kung masasarapan parin ako ngayon na laklakin yan lahat. Haha!

Yakee
Binili mo yan, sinubo mo yan, panindigan mo yan. Haha!
Ewan ko ba kung bakit gustung-gusto kong mangasim ang mukha ko.

Pintoora
Syempre, ang kapatid ni Yakee, na tuwang-tuwa ako sa tuwing kukulay sa dila ko.

Bazooka
Yung hindi pwedeng hindi ko babasahin yung komiks na kasama.

Judge
Naranasan kong nguyain 'to ng sobrang tagal hanggang sa parang naging powdery na siya sa bibig ko.

Wrigley's Chewing Gum
Mapa-Juicy Fruit man yan o Doublemint halos lahat yata ng bata noon may ganyan sa mga bag nila. 
Sa sobrang hilig nga natin may laruan nyan na panggulat sa mga kaklase.

Chocolate Gold Coin
Siguro tayong mga bata noon trip lang din natin ang makikinang na bagay 
tapos lolokohin natin sarili natin na barya siya sabay kakainin din maya-maya.

Flat Tops
Mula noon hanggang ngayon.

Curly Tops
Ang kapatid ni Flat Tops.

ChocNut
Ang kinalilito natin sa Hany noon.

Tootsie Roll
Para sa masakit na ngipin at pagod na panga.

Egg Chocolate
Hindi ko talaga alam kung anong tawag sa kanya pero I used to call it Dinosaur Egg.

LALA
Ang saklap ng childhood mo kung hindi mo natikman 'to.

Potchi
Yes, and it's still actively around getting kids addicted today.

Ovalteenies
Nung mga panahon na patas pa ang Milo at Ovaltine.

NIPS
Minsan pwede rin siyang Not In Proper Seat.
Shet, naalala ko tuloy yung kapag pipili si titser ng magsusulat ng Noisy, Standing, NIPS, at Whispering sa blackboard. 
Kapag nasulat pangalan mo parang katapusan na ng mundo mo, yung iba nakikipag-aaway pa, "Hindi naman ako nagsalita ah!" 
Tapos kapag nabura na pangalan mo it's such a relief.

White Rabbit
Jowa ni Tootsie Roll.

Lipps
Kung saan nagsimula ang kaartehan naming mga babae.

Fruittella
Imposibleng nakuntento ako rito na isa lang ang kinain ko.

Frutos
Same as above.

Sampaloc Candy
Tapos iluluwa ko kahit saan yung mga buto.

Pastillas
Kung hindi ako nagkakamali, Pastillas de Leche to be specific. 
Adik na adik ako rito nung bata ako. Baliw kasi ako sa milky na lasa.

Haw Flakes
Ito yung sa unang tikim parang duda ka pa sa lasa pero uulit-ulitin mo rin.

***

Syempre, papahuli ba naman ang mga chichirya? Kulang nalang pasabugin na natin ang mga bato natin nung mga bata pa tayo. Kahit anong pagsaway sa atin ng mga magulang natin kakain at kakain parin tayo ng chichirya dahil hinahanap-hanap natin ang masarap at nakakaadik na alat ng mga ito. Sakit pa sa ulo ng mga nag-aalaga sa atin ang pagpapa-inom ng tubig pagkatapos. Yung iba rito nag-eexist parin hanggang ngayon. :)

Humpy Dumpy
Wala akong makitang photo nung nakasanayan talaga nating packaging niya. 
Mukhang mas luma 'to pero dedma na. Humpy Dumpy yan eh!

Tomi
Friend ni Humpy Dumpy.

Pritos Ring
Lolo ni Roller Coaster.

Sweet Corn
Una, hindi ko kamay yan. Haha. Itong Sweet Corn na'to, ito yung tipong nalalasahan mo pa yung plastic habang nalalaway-lawayan mo na kasi binubuhos mo sa bibig mo lahat.

Pompoms
Kamag-anak ni Chiz Curls.

Snacku
Oo, berde siya.

Green Peas
Oo, berde rin siya.

Captain Sid
Yung ang tiyaga kong kagat-kagatin yan.

PeeWee
At Pizza talaga ang paborito kong flavor niya.

Cheez-It
Tapos pagkatapos ng lahat naninilaw at nag-oorange narin ang lahat.

Rinbee
Same as above. At hindi mo 'to dadamputin ng isa-isa, dakot talaga.

Ri-Chee
Kulit noh? Milk flavor na chichirya.

Lumpia
Hindi mo 'to natikman? Awww.

Nutri Star
Ito pa yata yung medyo may kapit sa dila eh.

Moby
Mas madalas kong tinutunaw lang sa bibig kesa nguyain.

***

Anong baon mo?

Papahuli ba yung mga meryenda na pinaglalalagay ng nanay ko sa lunch box ko noon? Alalahanin mong mabuti baka naging baon mo rin sa school itong mga ito.

Pretzels
Na minsan yung ibang bata ginagawang lollipop kaya dumudungis sila.

Stik-O
Syempre hindi pinapabaon sa akin ng buo yan. 
Nilalagay pa ng nanay ko sa plastic, siguro mga limang piraso lang.

Champola
Tawag ko pa nga noon sa Stik-O eh Champola rin.

Choco Mallows
Mga isa o dalawang piraso nito ang pinapabaon sa akin.

Pasencia
Kailangan ko ng marami nito ngayong adult na ako.

Milky Marie
Isa sa mga pinaka-malinamnam na biskwit na nakain ko.

Rebisco Sandwich
Paborito ko Chocolate at Strawberry.

Knick Knacks
Malagkit nga lang kainin. Pampadungis din 'to ng bata eh.

Sunflower Crackers
Katuwa yung mga asukal sa tuktok eh.

Yan Yan
Yung sineseryoso mo pa talaga kung gaano karami ang kukunin mo sa sawsawan niya 
para hanggang sa mga huling sticks meron paring matitira.

Iced Gem Biscuits
Yung pinaghihiwalay mo pa talaga yung biskwit at yung matamis niyang gem sa tuktok.
Kadalasan pinipili mo pa kung aling kulay ang uunahin mo.

***

Kung pinalad kang may kaunti kang naitabing barya mula sa karampot mong baon o kaya naka-score ka lang ng coins sa nanay mo, syempre ang daming binebentang kung anu-ano sa may labas ng school. I just realized bata palang yata talaga ako grabe na ako gumastos sa pagkain. Haha! Pinagbibibili mo rin ba ang mga ito tuwing uwian?

Cotton Candy
Tapos sobrang aliw pa panoorin kung pano siya gawin.

Dirty Ice Cream
Napaka-sarap naman din kasi talaga nito. Interesting din ang history nito kung bakit ba talaga siya tinawag na Dirty Ice Cream. To make the long story short, noon kasi diba wala pa namang refrigerator, so ang mga ice cream makers, nilalagay nila ang ice cream nila sa ilalim ng lupa as refrigeration. Edi tada, Dirty Ice Cream.

Karioka
Ang sarap-sarap din nito, enjoy na enjoy akong nguyain ito noon. Saan na kaya ako makakahanap ulit ng ganito, gusto ko yung malapit sa nakasanayan kong Karioka nung bata ako. May natikman akong similar sa ganito dun sa probinsya namin sa Bicol, tawag naman sa kanya Tinabog-Tabog.

Ice Scramble
Dahil dito sa pink na shake na'to Scramble din ang naging tawag ng maraming bata sa board game na Scrabble. Sa tuwing bibili ako nito sa labas ng school namin noon, talagang excited ako at umaasang dadamihan ni manong ang chocolate syrup at powdered milk.

Ice Candy
Kakagatin mo yung plastic tapos simula na ng pagdudungis.
Kadalasan nakalagay pa ang mga ito sa styro na box, yung cooler ng mga naglalako.

Mangga w/ Bagoong
Ay grabeng adik namin ng mga kaklase ko rito. 
Kahit mga bata kami ayos lang sa amin ang maasim dahil sobrang dami maglagay ng bagoong ni manong 
at napaka-sarap din naman talaga ng gawa niya.

Binatog
Kung hindi mo pa natitikman ang Binatog buong buhay mo, simulan mo nang maghanap nito. Street food din yan kaya posible mo siyang mahanap sa kung saan lang, kadalasan nilalako rin yan ng mga naka-bike na manong. Oh my childhood!

***
Photo credits to the respective owners. All photos are embedded via original URLs.

Ay grabe, kagutom noh? Pasensya na kung sakaling nagutom at sinumpong ka ng cravings dahil napadpad ka rito. Sana na-enjoy mong balikan ang iyong childhood memories kasi nag-enjoy din akong gawin ito kahit medyo ma-trabaho yung ganitong klase ng blog post.

Ikaw, anong pinagbibili mong pagkain sa tindahan at baon na snacks sa school noong bata ka pa?

W

2 comments:

  1. naalala ko baon ko noon hi-c o kaya sunglo at hansel hahaha...
    fave chihirya ko noon litsong manok,lumpiang shanghai saka dimples sarap kainin habang nanonood ng eto rangers saka time quest hahaha... :))

    ReplyDelete
  2. i miss my childhood even more.. of all these, yung ice scramble lang di ko pa natitikman.. lahat nakain ko na... thanks for posting... brought me back good old memories...

    ReplyDelete

Relaks ka lang. Anong kumento mo?