Good day, Philippine Cosplay Community!
Honestly, I am not so sure if I am still part of this community but maybe the answer is yes. Just treat me as someone who's been observing from afar or more like an inactive member of the community. Well, that's because I have not been cosplaying nor attending events.
Be that as it may, my network on Facebook is quite big enough for me to accidentally know the issues of today. Y'know, yung tipong I'm just scrolling sa news feed ko tapos may mababasa na akong mga kung anu-ano.
Ang dami. Sobrang dami, may mukhang seryoso at may mga mabababaw. Good thing is that I never paid attention to the names and identities. I just read without giving a damn kung sino ang nagpost or kung sino ang pinapatamaan niya. Maybe slight? But if I won't get the info then it's okay.
Maybe if I'd blog about everything here, hindi ako matatapos at all. Ang dami talaga. Sobrang daming issues sa PH cosplay community over the years. Minsan nga pakiramdam ko mas malala pa sa showbiz ang hype eh. So siguro pipiliin ko lang yung pag-uusapan natin dito.
1. Sexy Cosplay
Ano pa nga bang uunahin ko? Syempre itong napapanahon. PH cosplay is evolving; the new bloods and even the old ones are starting to be more open to sexy costumes and daring cosplay characters. Natural, hindi ako kasama sa kanila. Sino ba naman ako para magpa-sexy eh lagi nga akong napagkakamalang buntis. Haha! Although kahit siguro sexy ako ngayon, hindi parin yata kaya ng guts kong rumampa in a sexy cosplay.
So what's the usual issue? Ano pa nga ba? Edi syempre ang pagiging conservative nating mga Pilipino. Or more like.. pa-conservative effect lang pala tayo. Haha. May kanya-kanya naman talaga tayong kalokohan, magaling lang tayo magtago. Anyway, so lately yung mga gumagawa ng sexy cosplay eh inuulan ng mga batikos. Yup, mga babae sila syempre. I don't think that people would even care kung lalaki ang nakulangan sa tela. Haha! Baka nga comedy pa ang kalabasan eh.