Friday, January 9, 2015

10 Senyales na Dapat ka nang Mag-RESIGN sa Trabaho Mo

Marami nang blog ang nagtala ng kani-kanilang listahan ng mga senyales o rason para umalis na ang isang tao sa kanyang kasalukuyang trabaho. Kaya naisipan kong magsulat ng sarili kong version na ang empleyadong Pilipino ang focus ng content in Metro Manila setting. Malaking parte ng itatala ko rito ay base sa aking sariling karanasan. 

Hindi ko layunin na itulak ka sa impulsive resignation bagkus nais ko lamang ibahagi sa iyo ang mga nasa isipan ko na sana kahit paano makapagbigay linaw kung sakaling ikaw ay kasalukuyang naguguluhan. Maaaring makatulong din ang mga ito upang makagawa ka ng mahusay na desisyon at maramdaman mong para kang nabunutan ng tinik sa dibdib pagkatapos.


10 Sensyales na Dapat ka nang Mag-RESIGN sa Trabaho Mo

1. Hindi na sapat ang sweldo mo.

Sa totoo lang, ang konsepto ng mababa at mataas na sweldo ay depende sa tao. Paano? Depende sa tao sapagkat iba-iba naman tayo ng needs and lifestyle.

We don't work just to survive, we work to improve the quality of our lives. Yan ang bagay na napagtanto ko sa sarili ko nang minsan akong nag-settle for less pagdating sa category na compensation and benefits.

Dito sa Pinas, parte na ng kultura natin na nakatira tayo sa ating mga magulang hanggang sa kanilang pagtanda. Walang problema doon, kung tutuusin maganda rin naman yon dahil mapapanatili mo yung "heart" mo for your family. Yes, guilty ako for losing myself and my care for them due to my independent lifestyle. So if you reside with your parents, ma-swerte ka dahil kahit paano malaking bahagi ng sweldo mo at maaaring lahat pa ang mapapakinabangan mo para sa pansariling ginhawa. Not unless ikaw ang breadwinner.

Ipagpalagay natin na katulad mo ako, na right after college graduation ay naging independent na kaagad. When I say independent, putol talaga ang sustento mo. Paano mo malalaman na hindi na sapat ang sweldo mo? Needs vs. Wants, ang sweldo mo automatic na lilipad yan dahil gagastos ka sa renta, kuryente, tubig, Internet, cable, laundry, at grocery. Hindi pa kasama ang pang-araw-araw na baon at pamasahe mo sa trabaho.

Sure, pwede ka namang magtipid, solusyon din naman talaga yon. Ang tanong, ikaliligaya mo ba na dine-deprive mo ang sarili mo sa kaunting kasiyahan?

Kapag nauubos kaagad ang sweldo mo dyan palang sa needs mo, at nararamdaman mo nang ayaw mo nang mag-ikot sa mall kasi masasaktan ka lang, at parati kang tumatanggi sa inuman dahil wala kang pang-ambag. Hindi na sapat ang sweldo mo.

2. Hindi tugma ang boss mo sayo.

Walang perfect na boss. Siguradong at some point meron kang hindi magugustuhan tungkol sa supervisor o manager mo. Hanggat maaari dapat mo naman talagang pakisamahan ang boss mo, at nararapat lamang na punan mo kung ano ang pagkukulang niya kasi tao lang din siya. However, there's a fine line between the tolerable and the time bomb.

Kapag nararamdaman mong ang boss mo ay hindi mo talaga makasundo, at kahit binigyan mo na ng panahon ay hindi talaga nagbabago yung pakiramdam mong yun, at hindi mo na ma-tolerate yung presence niya, oras na para umalis ka. You don't wait for yourself to become a ticking bomb that would eventually explode.

Lalo na kung sadyang kupal talaga ang boss mo. Sorry for the term pero kupal talaga yung perfect word for it. May mga power trippers talaga at walang pakialam kung may masisira silang buhay ng empleyado basta makapagpa-bibo lang. You don't work with a superior that will make you end up being compromised.

3. Hindi tugma ang mga kasamahan mo sayo.

Hindi tugma ang mga kasamahan mo sayo o hindi ka tugma sa kanila. They're the same thing. Most definitely walang perfect na work colleagues, at lalong hindi ka rin perfect. Kaya lang kung hindi mo talaga masakyan ang trip nila, wala kang magagawa. Ang workplace mo ang ikalawang bahay mo. Ibig sabihin sa araw-araw na kasama mo sila, nagiging ikalawang pamilya mo sila. Kaya kung hindi mo sila makasundo, hindi ka dapat nandun.

Believe me, ipupusta ko ang lahat ng assets ko, sa kahit anong kompanya ka magpunta, hindi mawawala ang CHISMISAN. Mula sa outfit mo hanggang sa personal na detalye ng buhay mo aalamin nila at mawawalan sila ng limitasyon at respeto sa kung hanggang saan lang sila dapat manghimasok. Yung iba dyan sa sobrang kupal din talaga, gagawa pa sila ng mga bagay na ikapapahamak mo. One word, pulitika. Everybody wants to be on top. Everybody wants to be the king and queen. Hilahan pababa, Pinoy eh, crab mentality.

Wala mang perfect na team or department, you will find a circle that is tolerable enough. Yung balanse parin, may mga bwisit pero may mga magiging ka-tropa mo talaga na mananatili sa tabi mo. Kaya hanggat hindi mo nahahanap yan, alam mo na ang dapat mong gawin.

4. May mas magandang oportunidad sa labas.

You don't ignore a better opportunity. Mas promising na career growth at personality development. Better schedule and facilities. More learning and higher salary. Whatever the reasons are, as long as you find it better than your current job, wag na wag mong palalampasin. Parang jeep lang yan tapos nag-inarte ka pa hindi ka pa sumakay. Sigurado ka bang pagbalik niya wala pa siyang sakay na iba?

Gusto mo ng example? Appraisal. Kung sa kasalukuyan mong trabaho, pambili lang ng isang kape sa Starbucks yung tinataas ng sweldo mo taon-taon, aba mag-isip-isip kana if you really want to grow old with that company. Baka naman may mas okay sa labas na mas worth it pagbuhusan ng pagod at panahon mo.

5. Malayo sa tinapos mo.

Hindi natin maikakaila na marami narin ang nasa industriya na malayo sa kursong tinapos nila. Isa ito sa mga top resignation indicators for the past few years, it is called job mismatchWala namang kaso dun sa mga may ayaw talaga ng course nila nung college pero paano nalang kung nangangarap ka parin i-pursue yung field na gusto mo talaga? Syempre dahil sa pangangailangan mo napilitan kang magtrabaho sa industriya na malayo sa talagang mahal mong gawin. Yun ang paraan para may maihain ka sa hapag kainan niyo and it pays the bills.

However, you will surely come to a point in your life that you will crave for the career that you truly want; and you cannot waste time. Tao ka lang eh, hindi ka computer, eventually mawawala sa memory mo ang mga napag-aralan mo. Mangangalawang ka at kailangan mo na ng refresher. The more na nagtatagal ka sa hindi mo gusto at linya, mas bumababa ang chance mo na ma-hire sa industry na nais mo sanang kalagyan.

Yakapin mo kung ano talaga ang mahal mong gawin. Do something about it and you will surely be happy with your career. Do what you love to do and get paid for it.

6. Malayo sa bahay mo.

Seryoso, hindi ito biro. Factor din ang location ng workplace mo, oo sabihin na natin na sanay kana sa biyahe pero naisip mo ba yung total travel time mo? Sige, ipagpalagay natin na 1 hour and 30 minutes ang biyahe mo papuntang opisina at ganun din pauwi. So 3 hours kang bumabiyahe sa bawat araw. Let's do the math (sana tama 'to, hindi pa naman ako math expert pero paninindigan ko 'to naisulat ko na eh):

24 hours a day
30 regular days a month

24 x 30 = 720 hours

3 hours of travel time (back and forth) a day
5 working days a week
4 business weeks a month
12 months a year

3 x 5 = 15 hours
15 x 4 = 60 hours
60 x 12 = 720 hours

24 working days = 720 hours of travel time

Sa loob ng isang taon, katumbas ng isang buwan yung binabyahe mo sa kalsada.

"Ayos lang, malaki naman sweldo ko eh." Aba teka marami nang nadale dyan, malaki nga sweldo mo, kung mataas din ang transportation expense mo, minsan napapa-meryenda ka pa sa labas kasi ang layo ng bahay mo. You also have to take into account those everyday "small" expenses because of such distance. At isa pa, tayong mga ordinaryong Pinoy sanayan nalang ang peg sa mabigat na trapiko. Pero naisip mo ba yung convenience para sa sarili mo na mabawasan naman yung pagod mo sa biyahe? Malay mo, kaya mo pala nasusungitan yung anak mo o kaya asawa mo pagkauwi dahil pala sa layo ng biyahe mo? Pag-isipan mo lang at baka tugma pala sayo ito.

7. Para maiba naman kasi sawa kana.

Para siyang kalokohan pero katotohanan ito. Nangyayari 'to kahit hindi sa career. Parang sa pag-ibig, kapag sawa kana wag mo nang ipilit kasi dun din naman papunta, sa hiwalayan. Kapag ayaw mo na, at iba na ang hanap mo, wala nang point para magstay.

Madalas nangyayari ito sa mga petiks at routinary na trabaho. Yung tipong kayang-kaya mo nang tapusin lahat ng tasks kahit naka-pikit ka pa. Yung tipong sawang-sawa kana kasi paulit-ulit nalang yung ginagawa mo. Oo, halos lahat ng trabaho routinary talaga, pero may severity levels din kasi yan. Meron talagang sobrang nakaka-sawa. Pakiramdam mo na-bobobo kana. Wala kanang bagong natututunan. Sawa kana sa desk mo, sawa kana sa pagmumukha ng mga kasama mo, at sawa kana sa opisina mo as a whole.

Hindi kana asset ng kompanya kung ganyan ang nararamdaman mo, wala na sa diwa mo ang enthusiasm. Later on magiging liability kana. Go ahead and find a new environment that would motivate you once again.

8. Job Burnout!

Anong pinagkaiba nito sa pakiramdam na nagsasawa kana? Dito kasi, hindi ka pa naman nagsasawa, pero napapagod kana. Taray, parang pag-ibig parin diba. Oo, nakaka-burnout din naman talaga. At some point mararamdaman mo nalang na pagod na pagod kana. Pumapasok ka parin naman sa trabaho pero malalaman mong na-bburnout kana kapag sa tuwing gigising ka, ang unang pumapasok sa isipan mo ay kung anong idadahilan mo sa boss mo kasi ayaw mong pumasok.

Parang ang bigat-bigat na sa pakiramdam. Sobrang dami mong ginagawa na para bang gusto mo nalang ibalibag lahat at magwalk out. Yung iba ang ginagawa nagbabakasyon, unwind kumbaga. Subukan mo muna yun, pero kapag pagbalik mo sa normal na dimensyon eh nasa burnout state ka parin, tama na. Hindi na para sayo yang trabaho na yan, maghanap kana ng iba o kaya magpahinga ka muna. Edi wow, parang relasyon.

9. Hindi na mabuti ang kalusugan mo.

Akong-ako 'to. Naging suki ako ng ER (Emergency Room) ng St. Lukes Medical Center. Tatlong sakit ang naglabasan sa akin sa magkakaibang panahon. Oo, kailangan mong kumita ng pera. Pero yang kinikita mong pera, kung hindi mo naman pagtutuunan ng pansin ang kalusugan mo habang nagtatrabaho kang parang hingal kabayo, lilipad sa loob ng ilang minuto yang kinita mong pera kapag nagka-sakit ka.

Yan ang numero unong kalaban ng financial stability, ang pagkakaroon ng sakit. Hospital bills, maintenance ng gamot, at yung mas mahabang panahon na hindi ka makapagfunction. Dati shifting schedule ako, every 2 months nagpapalit ako ng shift. Graveyard man yan o mid shift. Nabaliw ang body clock ko dyan, sanay na sanay akong hindi matulog, wag kumain sa tamang oras o magpalipas ng gutom tutal may night differential naman kamo eh. Oh, saan napunta yung night differential ko? Sa gamot.

Pakiramdaman mo ang sarili mong katawan. Kung sa tancha mo ay nasa peligro na ang kalusugan mo, tigilan mo na ang kasusubsob sa trabaho. Either magpahinga ka muna o maghanap ka ng mas magaan na working conditions.

10. Hindi kana masaya.

Sa hinaba-haba ng pinagsusulat ko rito, mga apat na oras siguro ang ginugol ko rito sa blog post na'to, ito lang naman talaga ang bottomline. Hindi kana masaya. Parang sa pag-ibig ulit, kapag naramdaman mo nang hindi kana masaya, tapusin mo na, lumayas kana.

Hindi kana naliligayahan sa ginagawa mo. Hindi mo na alam ang ibig sabihin ng "Enjoy your work. Love your job." Naging robot ka nalang, pasok-uwi-pasok-uwi. Wag mong ganyanin ang sarili mo, wag mong ikulong ang sarili mo sa isang mundo na hindi na nagpapasaya sayo. Sobrang daming naghihintay na ibang trabaho para sayo, hindi mo lang nalalaman because you don't go out there. Taray, parang there are so many fishes in the sea ang peg.

Work, Job, Career, Expertise, Professionalism, whatever you want to call it. Bilang isang empleyado malaking parte yan ng buhay mo. Kumuha at manatili ka sa isang trabaho na may kontribusyon sa kaligayahan mo, sa kasiyahan mo bilang isang tao.

If you want to be happy, be.

W

72 comments:

  1. Totoo naman.. ang bottom line naman talaga eh, masaya ka pa ba? kung hindi na resign na.. take that leap of faith and find what truly makes you happy. kahit nakakaba.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup! If you're not gonna act upon then you're not really going anywhere. :)

      Delete
    2. Very well said wi! Sana ganon din kalakas ang loob ko. tama yun ih! ACT now, as in NOW na! :D

      Delete
    3. OK nmn trabaho ko pero di nko masaya at malayo sa bahay namin ang work place ko mandalas akong nagigipit sa araw araw na pamaahe at nahihilo pko sa biyshe

      Delete
  2. iba ka talaga wi! bwahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha! Thank you! Kung sino ka man! :)

      Delete
  3. parang ako lang. lahat na halos ng senyales na naka lista dito eh na sa'kin na. but still, i couldn't get this great amount of push to click the send button on my email para ma send na ng tuluyan ang resignation letter ko. hopeless *sigh

    ReplyDelete
  4. Relate much.. Nice . Slow clap...

    ReplyDelete
  5. ��������������������. So agree. Sup Trainee ako ngayon pero mas lalo kong nakita at napansin kung anu nangyayari sa management side. Watak watak sila (sa case namin). Kumbaga pag may mali basta ililigtas nila sarili nila bahala na ang iba. Yung nagpromote sakin di man lang ako inalalayan sa transition period ko. Tapos na kasi sya sa goal nia na may maipapromote sya sa team nia so bahala na ko. Ilang beses din akong na-ER. Puro chest pain. Pinagclearance pa ko sa cardio pero wala namang abnormal. Naulit at nahirapan ako huminga recently. Pamilyar na yung doctor sa akin kaya nirefer ako sa psychiatrist dahil sa anxiety. Kinatatakutan kong magbukas ng email, magcheck ng IMs, messages, tawag, pag lumalapit sila na feeling ko may mali na naman akong nagawa. Parang di ako nag-eexist sa trabaho walang napansin sakin lalo nung nakabalik ako last time. Ngayon nag-iisip akong ipadala na lang thru email ang resignation letter ko at di na ko magpakita muna sa kanila. Tsaka na lang pag nakapagpatingin na ko sa psychiatrist. I need advise. Salamat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung isa pang manager sa amin pinagmamalaki at masaya pa syang sinasabi na may napapaiyak sya. I'm currently on leave of absence so iniisip kong magpadala na lang ng email for my letter. I'm also battered kid at araw araw akong nagkakanightmare. Bumabalik yung nangyari sakin noon at pti na sa work ngayon.

      Delete
    2. mas grabae naman pala mga naranasan nyo sa work kumpara saken. pero eto ako gusto gusto ko na umalis.

      Delete
  6. Ano magandang reason pag gagawa kana ng resignation letter?

    ReplyDelete
  7. I need your advice..1week pa lng aq sa work q ngaun..actually ala pa qng pnpirmahan na contract since the day i started..prang gus2 q na agd umalis kz sa araw2 na pgpasok q mas unti2 q na-re2alize na hnd pla gni2ng klase ng trabaho ang gs2 q..hnd aq komportable..especially sa nature ng trabaho q ngaun..

    Sna mabigyan nio poh aq ng advice..

    ReplyDelete
  8. I read this blog and it helps me a lot:) .. Nadedepress ako sa work kasi ako dahilan kya bumaba score nmin sa audit and my manager and work mates blame me for that.. I decided today na i need to quit!

    ReplyDelete
  9. I read this blog and it helps me a lot:) .. Nadedepress ako sa work kasi ako dahilan kya bumaba score nmin sa audit and my manager and work mates blame me for that.. I decided today na i need to quit!

    ReplyDelete
  10. I read this blog and it helps me a lot:) .. Nadedepress ako sa work kasi ako dahilan kya bumaba score nmin sa audit and my manager and work mates blame me for that.. I decided today na i need to quit!

    ReplyDelete
  11. Lahat ng signals po tugma sa situation ko :( yet Im still weighing things .I knw Im not happy yet may mga responsibility pa po ako sa family ko :( especially sa kapatid ko na pinapaaral ng College .

    ReplyDelete
  12. Salamat pero bago ka magresign make sure na kahit papaano may pera ka man lang para sa pagaapply mo sa susunod na prospect companies mo para lang may pang gastos ka pa after mo ma tanggap.

    ReplyDelete
  13. maraming salamat po talaga sa nagsulat nito.

    ReplyDelete
  14. Thank you for this blog. I hope na sana makapaghanap ako ng new job within the year kasi sa totoo lang, di na ako masaya sa nangyayari sa career ko. Passion is what I'm craving for and I want to do what I love.

    ReplyDelete
  15. Lahat naka relate ako. Okay ang background ko sa past jobs ko, but first quarter this year, nagresign ako, and then nagpahinga for 1 month and i decided to find a new job. But my main problem, sa lahat ng inaplayan ko e parang puro palpak. Kapag nagsisimula na ako biglang hindi na siya sinisigaw ng puso which is hindi ko naman ugali. Buti nga't malakas ako kay Lord natatanggap agad ako. Pero kapag andun na ako,parang nde un e. Nde talaga un ung gusto ko. Kaya sabi ko maybe e clear ko muna utak ko. Dala na rin siguro to ng pagka stress before sa dati kong trabaho kaya parang hindi ko na makilala sarili ko. But thanks to this. ��

    ReplyDelete
  16. salamat sa blog relate po ako sa no6 1

    ReplyDelete
  17. wow relate much ako hahhahaha thanks

    ReplyDelete
  18. suffering for Job Burnout, antayin ko na lang mag 6 months ako dito saka hanapin ang para talaga sa akin.

    ReplyDelete
  19. haay, ang hirap ng ganto. di ka enjoy sa work mo. feeling ko nasa preso, di ako makaalis, una- unang trabaho ko to, kahit sana umabot lang ako ng 6months o 1 yr, gogora na talaga ko, then hanap naman ng iba. pangalawa- ang hirap maghanap ng work pag wala kang experience kaya naman chinatsaga ko yung una, pangatlo, binabaon ng kapatid kong nag aaral sa college yung sahod ko, kahit walang matira sakin rugo. so ayun, ang tatlong dahilan kung bakit di pa ako makapag resign. MGA DAHILAN KO NAMAN PARA UMALIS DITO : 1. environment sa totoo lang hirap makisama nung una, tapos mga kasama mo sa trabaho, matatanda na, yung tipong kay anak at asawa na at lola at lolo na. o diba! ang taray 22 palang ako pero feeling ko matanda na din ako haha. ang hirap makipagsabayan sa kanila minsan! 2. tsismis! o ayun nga, yung isa sa mga boss ko pa gumagawa non sa empleyado niya, shocks lang diba. kala mo kung sinung mabait pag kaharap mo pero BOOOM!!! may sasabog nalng na balita tungkol sayo. haha. grabe daig niya pa si Mel at Mike Enriquez sa pag babalita. 3. Sahod, sa totoo lang opisinang maituturing to pero ang baba nila magpasahod. 4. di ka makarelate sa kanila minsan, kaya feeling mo solo mo ang mundo. 4. walang uniform! ako lang ba yung tipong laging namomreblema sa susuotin tuwing umaga. yung nauubos oras mo kakaisip ng susuuotin mo na paulit ulit na, at aalahanin yung matagal mo ng nasuot at iyon naman muli ang susuotin mo pang pasok. ang hirap din pag walang uniform ang isang trabaho. ang sarap ata sa feeling pag nakaalis na ko dito, gusto ko din magkaroon ng kaibigan na pagkayari sa trabaho e lilibot muna kayo, e kaso dito wala! walang wala.

    ReplyDelete
  20. Relate much ako dto haaaaay! Lalo sa number 10.

    Execpt lang 5,6,9.

    Ang hirap talaga pag di na masaya! Haaaayyy.. sarap nila sigawan na " PLEASE! LET ME GO........"

    HAAAYYYST.. Ayoko na talaga.
    Pero, ako umaabsent ako talaga pag tinamad ako. Haayst! Lagi nadin akong late. Wala na akong pakialam sa credibility ko sinasabi nla. Haaayst. Basta, ayoko na talahga!

    ReplyDelete
  21. 5 out of 10 tugma sa akin... Hayz ang pinaka malala sa lahat pag indi mo kasundo mga boss mo. Ang dami dami kong role sa office... Staff k n ng operation, staff ka din ng marketing section, document controllerk pa... Tpos ang sinasahod mo pa katiting lang... Tapos magkamali k lng sa inuutos nila sau ipapahiya ka p sa iba... Anung klaseng boss yun d b? Sino ba nkaranas ng kagaya sa akin. Yung mga trabaho nila ipapasa sau then kapag mali ipahiya ka pa. Samabtalang dami mo ng ginagawa d b dapat iniintindi nila yun? Kung iko-correct nila yung mali ko pwede naman nya ko kausapin one on one bkit kelangan iparinig sa ibig at taasan k ng boses? To think na nakikisuyo lng sya s akin... Naiyak n lng ako nung pinahiya nya ko tlga. Masama loob ko. Gusto ko n mag resign maka ipon lng tlga ako pang apply... Iniisip ko n lang makakarma din yung nagpahiya sa akin. Yung mga boss ko na natutuwa na may pinapahiya silang tao.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parehas pi tayo parang inuenjoy pa nila pag meron silang pinapahiya .mag papasa na po ako bukas ng resignation ko wala na kasi akong gana sa work ko.at di naako masaya .lalo pa at binawalan na ako ng doktor ko na di namuna ako magtrabaho baka sa stress sa work.
      Minsan kasi pag bago sa work ok pa sila peru pag tumagal kana lumalabas na yung ugali kahit mag paturo ka sa work na di mo alam marami kapng matinug na salita lird habaan mo pasinsya ko

      Delete
    2. same here. yung tipong nag aadjust kapalAng pero d ka man lang nila tulungan sa work na di mo pa kabisado. sobrang ipapahiya ka ng manager.

      Delete
    3. Bakit ba kasi may ganong klase ng boss 😢 di nila alam na isa sa nagpapatrigger ng anxiety yung ganung bagay. Yung ipapahiya ka. Ang bigat bigat nun sa pakiramdam 😭

      Delete
  22. Relate so much talaga...ako nga sa sobrang layo ng bahay ko from naic to alabang ang byahe ko, nagkakasakit na ako...di na kaya ng katawan ko..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hay pareho tayo much relate sin akol dto minimum wage ako pero wag ka nakatira ako sa Langgam San Pedro Laguna ang work ko dyan din sa Alabang...minsan problema ko pa ang pamasahw talaga bgo pa dumating ang sweldo waley na pambayad utang na hindi na nkaktulong eh...hindi pa yon minsan talagang nkakapagod na sa byahe.

      Delete
  23. Pwede kaya magreklamo yong tinanggal ka sa trabaho dhil sumama ka sa mga kaworkmate mo na mg inom sa labas ..?? Tpos chismis kinabukasan tungkol sa pag iinom .. khit wala k nmn gingwang mali sa trabho mo pumpasok k nmn araw2 ..mbaba na nga sahod wala png day off..once a month k lng mkkpgday off pg mgpaalam..pwede kya mgreklamo sa dole ang ganitong sitwsyon?? Please reply po..

    ReplyDelete
  24. Pwede kaya magreklamo yong tinanggal ka sa trabaho dhil sumama ka sa mga kaworkmate mo na mg inom sa labas ..?? Tpos chismis kinabukasan tungkol sa pag iinom .. khit wala k nmn gingwang mali sa trabho mo pumpasok k nmn araw2 ..mbaba na nga sahod wala png day off..once a month k lng mkkpgday off pg mgpaalam..pwede kya mgreklamo sa dole ang ganitong sitwsyon?? Please reply po..

    ReplyDelete
  25. Should i resign kung lahat halos ng kasabayan ko sa trabaho ay naglalakad na ng mga papel at requirements para maregular na at ako hindi pa ?? Bukod tanging ako lang ang naiwan at hindi napili....

    ReplyDelete
  26. Tugmang yugma ito sakin pero labg yung 5,6, and 9. huhu.. how to let go if may need ka bayaran pag nag awol. Ayiko na talaga . Di na kasi ako masaya. Please sana may sumagot po

    ReplyDelete
  27. Hi this blog helps me a lot. Lalo na yung number 10 and 2 and 7 and 6 and 1.

    ReplyDelete
  28. Nice! Salamat sa pag share ng info ah. Pinaka naka relate ako sa "may mas magandang oportunidad sa labas". maging employment man yun or business. Minsan kase nakakalimutan na naten ang sarili nateng goal kase gusto naten mag settle sa stable na income. Sure, kase kailangan naman talaga yan lalo na pag may pamilya ka na. Pero may mga tao rin na wala pa masyadong pananagutan sa pamilya pero ayaw umalis trabaho kase natatakot sumugal sa bagay na totoo nilang gustong mangyari sa buhay nila. Kung business man or bagong career ang gusto mong subukan, go lang tayo dapat. Pero dapat handa ka sa competition kase hindi lang ikaw ang nag aapply. May nabasa akong job application tips dito: https://www.filworx.com/blog/types-job-applicants/

    May nabasa rin akong magandang article sa Forbes about sa quitting your job: https://www.forbes.com/sites/lizryan/2017/07/01/the-step-by-step-guide-to-quitting-your-job-2/#40c526ee4f98

    ReplyDelete
  29. Tama itong blog na ito. programmer ako

    ReplyDelete
  30. Grabe. Super relate ako. Yung nafefeel ko ngayon yung job burnout. Huhu. Thank you sooo much for this.

    ReplyDelete
  31. Elvin Gallenero7/24/2019 10:23 AM

    Lahat pasok sa trabaho ko ngayon tangina .. Unang trabaho ko kala ko pasok tlaga sa natapos ko na kurso yun pala pagka tangap ko sa trabaho POTA ! pinalit ako sa may HR department (nga pala engineering pala natapos ko) dpat malapit na mangangak nag checheck ng time ng mga workers as pang HR tlaga na trabaho like hindi ko gusto tlaga ang trabaho. Ngayon ng hahanap ako ng ibang trabaho wala na akong pake kung mg duduty ako e panay facebook at youtube nlng sa desk ko. nag aantay nlng ako doon sa inapplyan ko na trabaho na tumawag sakin tang inang companya prang nainsulto ang sarili ko hahaays !

    ReplyDelete
  32. Same here. Toxic schedule na nga sa BPO toxic pa sa mga workmate na ayaw masapawan

    I will file my resignation tomorrow. If there’s something I’ve learned on this company that is the importance of having a good working environment. Hopefully, mahanap ko na sya sa next job ko.

    ReplyDelete
  33. Hi, ano po ba advice nyo sa sitwasyon ko sa work ko ngayun. Sa lahat ng sinabi nyo jan, isa lang tlga ang tumama at very accurate tlga. "Hindi na ako masaya" Well unang una sa lahat, yung supervisor ko, alam nyo yung ginagawa ko naman lahat ng best ko pero sakanila not enough padin. Kumbaga wala silang appreciation, and yung iniisip mo palagi na may dragong bubuga ng apoy sayo palagi pag pumapasok ka. Ang hirap, tapos yung pinaparamdam nila na sa lahat ng ginagawa mo lahat mali at lahat nalang pinupuna. I want to quit pero I have responsibilities. Tipong gustong gusto ko ng mag quit talaga pero back thinking ko. Pano yung mga bayarin? Upa, kuryente, tubig, pagkain etc etc.. Paano po yun? Ano ba ang the best action for this kind of situation that I'm experiencing right now. Feeling ko nasa preso ako na nakakulong. I Want To Break Free but how? Can someone help me please...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Same situation. Yung di ka na masaya sa nangyayari sayo kaya mapapaisip ka na lang mag resign. Parang lahat ng gagawin mo mali lagi. Ang hirap magtrabaho pag ganun. Pag nagkamali naman,grabe kung pagalitan ka. As in maiiyak ka na lang talaga. Yung peace of mind mo wala na. Pero iisipin mo pa din yung needs mo kapag mag resign ka. Ang hirap mabuhay sa mundo 😭😢

      Delete
    2. I feel like I’m useless dahil lang sa isang pagkakamali nagbago na sila lahat sakin ang hirap subrang mahal mo work mo then ganun lang kadali magbago lahat . Ganun bA talaga sila perfect lang hndin naman aq c God tao lang rin naman aq magkaka mali rin. Ang Hiram yong feeling na Hindi kana masaya gusto muna lang lage mapag isa. Then single kapa wala ka mapagsabihan ng feeling mo kasi alam mo sa sarili mo na mahirap magtiwala sa iba. Hay Jusko Lord .

      Delete
  34. I work for 1 year in bpo company tapus after training 3 kami napunta sa Bago tl. Everything okay Peru ng nawala na ung kawave ko. Parang Di na ko Masaya. Parang Everytime na palaging parang Ang bigat bigat. Tapus ung iba mo pang kateam instead to push na you okay lang yan. Mas bully pa. I feel so alone. Need a good advise.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung sa friends lang ang problem, please look what you have, even di kana masaya pero you need to work for yourself or fam, makakahanap kadin ng ibang ka wave try to make friends sa labas, wag sa work, focus ka lang sa trabaho at sa goal mo.

      Delete
  35. Hello, please reply naman if YES OR No.
    Balak ko na mag resign, hindi dahil sa mga kasama ko, at hindi dahil sa trabaho ko, kung hindi dahil "hindi na ako masaya at nag sstay nalang ako dahil sa pangangailan at sa background ng kumpanya" sa sales person ako. At napunta naman ako sa sales, but yung expectation ko sa field, but na punta ako sa calls sales, well first time ko tong job kaya tinuloy ako,then na regular at naging top, naging okay naman supervisors ko proud, but then naging pethics ako kasi paulit ulit nalang, I always do my best but habang tumatagal yung supervisors ko, mas nagnanais na higitan ko pa, alam naman natin na may competition sa sales, pero hindi ako nakikipag kompitensya and marami din gumagaling, and I give way but then hindi ko na naramdaman na naaappreciate pa ako, hinayaan ko lang, atlease ginagaWA ko pa best ko pero dumating yung time na nag kakamali na ako as tao lang, dun dumating yung time na parang wala na akong kwenta kasi hindi ako kayang ipaglaban ng supervisors ko o suportahan lang.
    Kung baga napapansin nya lang yung achievements , but pag down di ka kilala, i know sila may problema, pero para sakin gusto ko na din umalis, mga pumipigil sakin ay yung, maayos na kaibigan sa trabaho, pangangailangan, mga bonus and incentives,
    Yun nalang eh,
    Kasi daming reason para mag resign, marami lang nag sasabi na wag, SAYANG!
    pero recently lang every morning gusto ko na mag quit, gusto ko na maging malaya, gusto ko na sarili ko naman, kasi I work 10-12hrs a day maka quota lang. Di ako nag rereklamo kasi workaholic ako, pero yung maramdaman mong wala kang value as a person sa trabaho, na parang wala kang naambag, ganun nararamdam ko,
    Iyak ako ng iyak, as this moment gusto ko na umalis, gusto ko sa iba mag grow. Yung ma aappreciate ako.
    Never akong umabsent
    Never nalate
    Naver nag say No sa trabaho
    But it's a Yes Or No
    To resign? Thank you

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, go and resign but make a better timing like ber months..madami pa dyan companies at sayang ang life kung hindi deserve ng boss mo ang oras mo.

      Delete
  36. I agree with everything you've said. Unhappiness pa rin ang biggest reason bakit umaalis ang tao sa isang trabaho. Why stay when there's no more sense of fulfillment?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama..ako kahapon January 22, 2020 was my 6th month in my job. Sa unang dalawang buwan ng pagtatrabaho ko dito gusto ko nang magresign at sinabi ko talaga yun sa boss ko. pinigilan niya ko then I listened to him kasi pinaliwanagan niya ko na kaya ko at mabait siya. ang problema ko is yung nag turn over sakin ng trabaho. bilang ko lang sa daliri ko kung ilang beses niya kong tinuruan na napakabilis pa kapag tinuturo niya sakin (accounting related) bobo ako sa accounting at hate ko yon. tapos ang work ko is more on accounting dahil Executive Secretary ako. I don't have any background to it kasi previous job ko ay invoicing although may accounting siya pero sobrang basic. Dito kasi sa work ko ngayon, gagawa ako ng Income Statement, Bank recon, ako pa sa purchasing, ako nadin HR, lahat sakin dahil secretary nga ako. wala namang problema sakin yon...ang kaso, hindi ako tinuruan ng maayos na hanggang sa ngayon na 6 months na ko marami parin akong hindi alam sa trabaho...ang malala nagresign pa yung nagtuturn over sakin ng trabaho na nangakong itutur sakin lahat. ngayon hinihingan ako ng mga report ng boss ko sa lahat ng trinabaho ko..wala akong maibigay na maayos dahil hndi ko nga alam kung paano..ilang beses ako nag ask doon sa nag tuturn over sakin na turuan ako..oo siya ng oo pero hndi naman ako tinuruan hanggang sa nagresign na siya..sinabi ko din sa boss ko na hindi ako maturuan at matutukan pero wala. ako ang naiipit sa lahat..iniisip ko baka pag mas lalong tumagal ako mas lumaki ang kailanganin sa aking report o maging liability ko sa hindi ko naman pagkukulang. kaya gusto ko na talagang mag resign as of this moment i'm typing this.. haaayyyyy

      Delete
    2. ISA PA...HINDI DIN AKO MASAYA NGAYON SA TRABAHO KO. :(

      Delete
    3. Ganito yung nararamdaman ko ngayon to the point na kahit mabait yung boss mo pati mga katrabaho at malaki sahod, gusto mo pa rin magresign. Parang natatakot ka ng magpatuloy kasi alam mong may mga darating pang mga trabaho na hindi mo nanaman alam kong paano mo sisimulan o gagawin kasi walang magtuturo o maggaguide sayo. Tapos habang tumatagal pabigat ng pabigat yung nararamdaman at parang ayaw mo na nung ginagawa kaya mas lalo kang nahihirapan magpatuloy.

      Delete
  37. what if yes, mejo unhappy ka na nga, pero at my age of 42, mahhirapan na ko maghanap ng work. pinagttyagaan ko lang kse I can't afford na mawalan ng trabaho. alam nyo na monthly bills, cards, things like that.

    ReplyDelete
  38. Pwede ka bang magresign kahit ka reregular ko lang pero may nagooffer sa akin ng mas magandang trabaho at mas magandang sahod kung saan doon tlga ung expertise ko. Any advice po? Thank you

    ReplyDelete
  39. yes .. badtrip alam mo yung ginawa mo ang lahat .. kasi gusto mo tumaas sahod halos kada buwan nsa top 2 and 1st ka best employee .. tpos request mo lng sknla hauf dpa maibigay kada deal mo 1m pataas .. kupal n boss hauf

    ReplyDelete
  40. Feeling ko po kahit lunes pa lang gusto ko na agad magweekend or rest day.im Bpo employee.sa totoo lang hindi na din po ako masaya sa tarabaho ko.feeling mo kapag papasok ang shift ko sa umaga, parang yung mga tumatawag is palaging galit nalang....office field talga ako.at first time ko lang sa bpo.hindi ko alam na ganyan pla....isa pa parang hindi ako naggogrow sa ganitong industry,gustong gusto ko na agad makahanap ng trabahong masaya ako at ayon talaga skin at sa kagustuhan ni lord.sa dami ng responsibilidad na nakaatang skin.kahit gusto ko ng bumitaw at bumigay hindi pwede ei.

    ReplyDelete
  41. Hingi ako ng payo lods sana may makasagot dahil need ko tlga ng advice anong dapat kong gawin sa current situation ko..

    Sa totoo lng gusto ko na magresign dapat last year pa pero binigyan ko ng chance yung trabaho ko.. papaano okay naman pero ang di ko lng gusto sa nature ng trabaho ko is pang dalawang tao yung trabaho.. kumbaga palagi ako napipilitan mag multi-task dahil kulang sa tao at ayaw mag hire yung amo namin.. lagi nacocompromise oras ko or laging overtime na wala sa plano dahil nga sa mga trabaho na masyadong maiksi ang deadline.. ayaw ko rin mag voice out sa amo ko dahil feel ko ang useless kasi alam ko na yung sasabihin nila.. kahit nga minsan di na oras ng trabaho yung tipong pagbukas mo pa lng ng facebook mo para tumingin ng memes may message notification agad galing sa amo mo.. 11 hours na nga ako sa trabaho pati ba naman sa bahay trabaho pa rin magiging takbo ng isip ko?

    sa tingin nyo lods? kailangan ko na bang ituloy pagreresign ko kahit wala akong nahanap na kapalit? or tiis na lng?(tho di ko na tlga kaya, dumadating na nga ako sa point na gusto ko sumigaw bigla sa opisina)

    ReplyDelete
  42. akoa nga eh kahit tagal ko na sa trabaho pinasukan ko kahit mag tiyaga ka at maging masipag sa trabaho hindi rin nila ma appreciate ang mga ginagawa ko sa trabaho kasi nga favoritism kasi yong boss ko eh kahit anong gawin mo hindi ka nila ma appreciate ang efforts po kahit ikaw naman ang gumagawa sa trabaho nila para na din akong nag sawa tapos yong sahod ko hindi rin nag increase ilang taon na akong nag tiis dito pero wala parin nang yari yong iba kasama ko na increase yong sahod nila ako hindi parin hindi yon kasya yong pang income ko araw araw dito at yong trabaho ko paulit ulit nakakasawa na hindi na ko nagagamit yong kurso ko kahit lisensyado ako grabi nong dumating nang araw parang nawala na akong gana pumasok sa trabaho ko at isa pa yong problema sa company namin laging delay ang sahod dahil sa nawala ng budget nakakapagod na kahit ako nag overtime ako sa trabaho hindi parin ako binibigyan ng sahod ito na ba yon sign na dapat kana mag resign? ang problema ko po is walang income eh nag hintay sa sahod hanggan nag ka utang nalang dahil sa pambabayad ng bills nag hihintay ng sahod tagal parin nakakapagod na parang gusto ko nang umalis sa trabaho at hahanap ng ibang oppurtunity ang para sa akin wala parin akong self improvement walang nag babago sa sarili ko.. sana magbigyan niyo ako ng advice kung ano dapat kong gawin..

    ReplyDelete
  43. 17 years old pa lang ako nag wowork nako halos pitong taon nako nag tatarabaho gusto sana muna mag pahinga natatakot ako mag resign baka kase hindi kayanin ng ka live in partner ko yung mga gastusin namin sa bahay yun yung inaalala ko well wala pa naman kaming anak pero nakakahiya na sya lang yung gagastos kung mag reresign nako ... Haysss ��

    ReplyDelete
  44. Almost lahat ng nakalist e naranasan ko na. Unang month ko palang sa work ko parang gusto ko na umalis kasi nga KUPAL yung boss bukod pa dun napaka layo ng tinapos ko at inapplyan kong job description sa Department na napuntahan ko. Pero sabi ko give it a chance tapusin ko lang contract ko. After 6 months gusto ko na talaga umalis. Sobrang lumalala na ulit asthma, takot na ko mag bukas email, text, call specially galing sa boss ko. Naging pala absent na din ako. Gustong gusto ko na mag pasa ng resignation letter sa boss ko pero natatakot ako if this is the right timing. Since May pending pa kong project. Btw isa tong project na to sa sobrang nagcacause ng stress and anxiety ko. I’m a fresh grad btw pero yung pressure na binigay sakin ng boss ko kala mong May 7 years of experience na ko. Sa almost everyday nyang galit sakin dahil sa mga pagkakamali ko na sa totoo lang di ko naman talaga alam ginagawa ko kasi walang nagtuturo at kanya kanya din kami sa Department namin. I don’t know what to do anymore. Sana po bigyan nyoko advice

    ReplyDelete
  45. Gustong gusto ko na rin mag resign, problema ko lang is wala pa akong malipatan na bagong company. Minsan napapaisip ako na bahala na lang, sisipagan ko na lang maghanap ng new work sa span ng 1 month turn-over dahil nga sukang suka na ako sa trabaho ko at para lang makaalis na ako sa trabaho ko ngayon. Considering na wala din ako halos ipon pero masyado na akong burned out sa current work ko. Over 7 years na akong nagwowork sa current employer ko kaya ramdam na ramdam ko na ang pagod.

    ReplyDelete
  46. Im 36 now and kakastart ko pa lang sa new work ko which is a technical support kasi yun na rin yung past job ko before but for the span of 1 month na napasok ako dito as a team lead(pinalit ko sa previous position ko kasi mas mataas mga sweldo) I feel unwelcome pa rin sa ibang tenured team lead. Mabait yung supervisor namin and yung 1 team leads na tenured pero may 2 na tenured na di approachable nagtuturo naman kaso ramdam mo na ayaw magturo(gets ko naman na minsan nahihirapan yung iba na magturo) pero syempre sila yung tenured kaya sa kanila ako magtatanong, tapos lagi pa nakikita mga mali na ginagawa(for quality purpose, which is ok lang sa akin but not to the point the broadcasted pa siya). I am thinking of letting go pero wala eh need ng pambayad ng bilss and needs. I am also hesitant na makahanap agad ng work since I am already 38. I just need some advise lang if I should stay and save to start a small business or let go na lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. real age 38, typo error sa una

      Delete
  47. Napaisip tuloy Ako hahaha

    ReplyDelete
  48. Sana may magbigay ng advice sakin nagugulohan ako kung mag reresign na ba ako or hindi pa I'm 23 years old may isang anak mag 2years old na sya sa july nagwowork ako as utility sa isang company ng motor stay in ako dito mag 5 years na ako dito this march so far ok naman yung work magaan naman lahat ng gawain libre lahat. ulam lang tsaka needs mo ang sagot mo kaso lang di na talaga ako masyaa at kulang pa din talaga yung sinasahod ko para sa anak ko parang paulit ulit nlng yung nangyayare habang tumatagal nahihirapan na ako sa gantong sitwasyon lalo nat stay in hindi na masaya kumbaga malayo sa pamilya at sa anak ko minsan ayaw pa ako payagan makauwi kasi walang kapalitan as a utility natatakot lang kasi ako na mag resign at talagang nagugulohan ako.

    ReplyDelete
  49. Tama..May mga Kupal kasing mga Namumuno na Kunyare Concern sa iyo pero NapakaImPokritong Tao..Sana Mabasa niyo ito...Ilang tao naba ang NagResign na nung Hinawakan mo naWalan na ng Ganang MagtraBaho..Imbis na magMoLD ka ng isang Leader at tawagin kang MeNtOR MaisusumPa Ka..DahiL wala kang Kwenta MAgALiNG kalang MAGSIPSiP sa BOSS/Manager pero pagkatalikod nito tinitira mo din siya ng Patalikod..Kumbaga sa Prutas 2 in 1 Ka..BAyAbAS ka na BAlImbing KaPa..MABubulok At MaHuhulog ka din sa Dapat mong KaLaGYAN..Si LORD nalAng ang Bahala sa iyo..

    ReplyDelete
  50. Tama ka. Pag di na talaga masaya dapat ng umalis sa trabaho lalo na pag kupal ang boss

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama. Lalo pag kupal pagdating sa budget, maski ng pagkain. Tanghali na, ni walang kusa magbigay ng budget, porket baboy sya at tulog lang ng tulog, walang pakialam sa mga pagod na sa trabaho.

      Delete
  51. ako 3 years na sa employer ko ngayon ok naman dito magaan yung work kaso yun nga sa sobrang gaan para hindi ka na mag growth as individual kasi gamay mo na yung work mo , sa ot wala naman pakialam kahit mag ot ka ng mag ot basta regarding work , minsan lang may topak yung boss , sa environment hindi naman ganun kahirap pakisamahan ang main point ko lang po is tama pa ba na mag stay ako o dapat ng mag resign ? kasi yung mga bagohan saamin na increase na ako na matagal hindi ako na increasan nasaktan lang ako kasi ako naman nga train ng maayos , ako gumagawa ng work nila sila lang nag bibigay sa boos for signature kung baga sila na yung naging visible sa boss pero about work ako naman gumagawa tinatapos ko kaagad pag may mga pinapagawa para walang pending pero sa huli para ako pang yung napag iwanan

    kaya need lang ng advise :( btw I'm 25 years old

    ReplyDelete
  52. Cool and that i have a tremendous offer you: How To Properly Renovate A House split level home remodel

    ReplyDelete

Relaks ka lang. Anong kumento mo?