Monday, March 23, 2015

6 Senyales na Astig ang Boss Mo

Kung empleyado ka o minsan mong naranasang maging empleyado at habang binabasa mo ito ay may naalala kang tao, ang ibig sabihin lamang nyan ay naranasan mo nang magtrabaho kasama ang isang ASTIG NA BOSS.

Maaari mo ring ituring ang blog post na ito na basehan upang ihulma mo ang sarili mo na maging isang mahusay na leader. There are so many traits of a good leader so I'll just randomly state some factors that I could initially think of. Gusto ko makatulong ito sa kahit na sinong nagbabasa ngayon nito (kahit kaaway pa kita) dahil naniniwala naman ako na lahat tayo dapat mabigyan ng pagkakataon na maging mahusay na leader o maging mabuting follower na magaling pumili ng astig na boss. Yes, some people are better followers. Whether you are born to be a good leader or a good follower, you can be awesome as long as you love what you do. Tutal, walang saysay ang astig na boss kung hindi naman siya suportado ng mga astig na subordinates.

I already became a leader in my previous jobs. I worked as a Learning and Development Coordinator which made me experience conducting trainings for employees who are on the same level as mine, supervisors, and even managers. Being a trainer is also being a leader, regardless of their ranks, basta nasa training, ako ang teacher at students silang lahat. I also worked as an Operations Assistant Manager. I never had a manager that time so figuratively I was the acting department head. I resigned from both jobs for other reasons but that won't be the topic for this blog post. Haha.


Back in college, we were taught to become leaders and managers. BA graduates with majors in Management, Operations Management, Marketing Management, and all the other "Management" courses should have been trained to become managers; not just to become entry level employees. Anyway, I'm just giving you an idea that I do have knowledge when it comes to leadership. Whether it's textbook or by experience. That is why I gathered my strength and courage to write about it. I am not even one of the best leaders though. I still lack experience and I need to learn a whole lot more.

Bago nagsink in sa akin ang mga bagay-bagay, of course, there was an inspiration. Meet my first boss, isang astig na boss, Jeff Magalong. I worked with him for about 1 year and 4 months? Mga 2 years na siguro simula nung nawala ako sa balwarte niya. I was a specialist and he was my immediate supervisor. Hindi ko alam kung dahil lang ba siya ang unang naging boss ko kaya siya ang naging basehan at konsepto ko ng isang mahusay na leader o talagang he's the best boss I've ever had so far. There are so many lessons that he was able to impart to me and I am using them for my best practices mostly in my career and also in my personal life. Hindi sa inaakyat ko siya sa pedestal, at lalong hindi rin ako sumisipsip sa kanya (hindi rin ako marunong nun kasi mahina ako sa pulitika) dahil matagal ko na siyang hindi ka-trabaho at nakakausap. Alam ko at ng mga officemates ko before na hindi siya perfect. Walang perfect na boss. But if I'd be given a superpower to summon him as my boss in my current job? I'd definitely do it in a heartbeat.

Sige, enough with the long prologue. I hope that as you all read, you'll get to realize, reflect, and appreciate. Whether you have a boss or you are the boss.


6 Senyales na Astig ang Boss Mo

1. You get things done and still know how to have fun

You get things done..
Si Sir Jeff, everyday habit niya na pagdating niya sa opisina, he will casually gather us and set the agenda for the day. He sets the expectations and our goal is to meet or exceed those expectations. Kahit puyat o pagod siya dahil mini-meet niya lahat ng shift, lagi siyang prepared. Lagi siyang handa dahil alam niyang yung kalbaryo sa pagbangon, simpleng pagligo at pagbiyahe ng mga tao niya papuntang opisina ay parte rin ng paghahanda namin. Very rare mo siyang makikitang lutang na lutang at hindi alam kung anong gagawin. He will delegate tasks to expedite right away. He would even ask you kung anu-ano at ilan ang kaya mong tapusin na tasks para sa araw na yun. Dahil sa style niya na yan, kalahati palang ng shift tapos na namin lahat. I'm so proud to say hindi uso samin ang backlogs. Kung kailangang araw-araw na parang nagbabasag kami ng keyboard at mouse gagawin namin matapos lang ang lahat. Bakit? Oo, siguro dahil mabilis kami masyado gumawa pero hindi ba kapag nilatag na sayo lahat ng gagawin mo para sa araw na yun smooth nalang ang flow ng lahat? You won't mind kahit sobrang dami at mahirap yung iba kasi nga malinaw na iniatas sayo. Minsan nga sa sobrang bibo namin kami na nagvovolunteer to do this and that. Hindi rin naman sa nampupulis siya pero siguro mga every 2 hours he will check us one by one kung ano nang progress namin. At bihirang may errors ang trabaho namin, kasi syempre alam namin na kung hindi accurate ang mga gawa namin, supervisor namin ang mapapagalitan. Kapag mabuti ka sa tao mo, kusa ka nilang po-protektahan. Sinisigurado namin na mataas ang accuracy ng team namin para kapag masaya ang supervisor namin, masaya rin kami kasi good shot kami sa management. 

..and still know how to have fun.
Kapag natapos kami ng maaga at ubos na ang trabaho, yung tipong nganga nalang yung next shift kasi inubusan na namin sila, we are all free to have fun. Kaya nga may game room eh, kaya rin may quiet room kung antok ka. Pwede ka rin magmerienda sa labas basta wag lang lalayo at babalik ka rin agad. Kapag medyo 40 minutes to 1 hour kanang nawawala sa opisina tatawagan kana nyan just to check kung nasaan kana, at hindi ka niya papagalitan, sasabihan ka lang niya na.. "Sige, bilisan mo na dyan at baka ma-overbreak ka." Hindi niya kami pipiliting sumubsob sa trabaho kung nakikita naman niyang hinuhusayan namin araw-araw. Alam din niya na karapatan naming magfile ng VL paminsan-minsan because all of us, even him, should live our lives outside the office. Hindi niya kami kailangang hanapan ng mali kung wala naman kasi talaga. Kadalasan nakikipagbiruan pa siya sa amin para naman hindi kami mala-robot sa trabaho. 

Sa haba ng mga sinabi ko, ang bottomline lang naman ay astig ang boss mo kapag may work-life balance kayo. We get things done and still know how to have fun, indeed.

2. Reward System > Punishment System

Para sa mga nakapag-aral ng management sana ay naaalala niyo ito dahil hindi lang pala siya natatapos bilang isang topic sa handouts kundi malaking bagay ang RS at PS sa workplace. Depende sa boss kung anong mas trip niya. Pero para sa akin, astig ang boss mo kung mas pinapatupad niya ang Reward System kesa sa Punishment System.

What are these two? They are the common motivators for your employees. What is the difference between these two? Reward System is more of acknowledging and giving appreciation to the efforts of your subordinates while Punishment System is more of scolding and giving sanctions.

For me, RS is way better than PS. Ginagamit lang ang PS dun sa mga may sungay na, para yan sa mga pasaway talaga. Ang pagkakamali ng karamihan ng mga boss, ginagamitan nila ng PS yung mga taong hindi pa naman kailangang brasuhin. Imbis na ma-motivate tuloy silang pagbutihan pa at magpaka-tino nang tuluyan, it demotivates them at sumasama lalo ang loob. Edi lalong babagsak ang performance sa trabaho, or kahit hindi man bumagsak hindi na masaya ang empleyado mo. Ikaw ba naman bombahin mo ng mga NTE at memo without even getting the other side of the story first, tingin mo mag-iimprove performance nyan? Oo, siguro sa iba kung guilty as charged talaga kasi syempre dahil sa PS magkakaroon na sila ng fear to make a mistake again. But most of the time? It crushes the employee's spirit.

So here comes Sir Jeff, whenever we achieve the highest volume, highest accuracy, and hitting deadlines, nakahanda na ang mga pack namin ng Mentos (take note, pack, hindi piece!) at kanya-kanyang Pringles at Piknik. Maliit na bagay diba? But it is his own way of showing appreciation. Atat kaming magsabi na "All done, sir!" o kaya "Tapos na lahat, sir!" kasi sasabihan niya lang kami ng "Good job!" or bigyan niya lang kami ng thumbs up ayos na as long as we feel that he acknowledges our skills and abilities, reward na sa amin yun.

It's human nature after all. We all seek appreciation from others. Masarap naman talaga ma-appreciate at ma-acknowledge for our efforts, sa trabaho man o personal life. So yes just sometimes to Punishment System and yes all the damn time to Reward System!

3. Calls your attention but never reprimands you in public

Astig ang boss mo if he does not reprimand in public. Astig ang boss mo kung hindi siya namamahiya ng tao niya sa harap ng iba. Astig ang boss mo kung sasabihin niya sayo na may pagkakamali ka habang dalawa lang kayong nakakarinig. Kapag ang boss mo, mahilig manigaw, at talagang binabalandra sa lahat kung gaano ka ka-tanga sa nagawa mo, malayo siya sa pagiging astig na boss.

Yung sinesermonan ka sa harap ng mga ka-team mo, walang kwentang boss yan. Power tripper yan. Papansin lang, hayok na hayok i-rampa ang posisyon niyang mas mataas sayo.

Oo, malamang lahat ng ilalagay ko rito gagawin kong halimbawa si Sir Jeff. Haha! Hindi naman masyadong halata na idol ko siya diba. Again, hindi siya perfect. May mga araw na stressed din siya at nakakapagsungit. May mga sabi-sabi rin noon nung wala pa ako sa kompanya na terror boss daw siya pero wala na akong pakialam run kasi hindi ko na naabutang ganun siya eh. Pilit ko talagang ginagaya sa kanya yung kakausapin ka niya na kayong dalawa lang. Hindi dahil parte yun ng kultura ng kompanya kaya may tinatawag na huddle room na soundproof kung saan pwede kayong mag-heart to heart, pero sadyang ganun lang talaga siya. Minsan nga hindi sa huddle room kundi yayayain ka lang niya sa smoking area. He will reprimand you over a cigarette. How cool is that, right? Which goes to my next point, #4.

4. Your boss treats you like an adult

Your boss is by the book but still humane. Pwede maging strikto pero dapat may puso parin naman. Yung tipong na-late ka o kaya napa-emergency leave ka dahil na-ospital ang anak mo o kaya nanay mo tapos walang magbabantay, oo apektado ang production pero valid naman diba? Kaya iniintindi ng astig mong boss yon at mag-aalala pa siya para sayo. Hindi tulad ng ibang boss, hahanapan ka pa ng pruweba na na-ospital talaga para ka namang batang nagsisinungaling.

Si Sir Jeff kapag nagkamali ka pagsasabihan ka niya, maaasar din naman siya, maiinis din siya sayo, hindi ka pa papansinin nyan, pero sa huli kapag kumalma na siya he will accept what happened and will always tell you that it's a learning curve for all of us. He won't treat you like a kid na para bang ang mangmang mo naman porket nagkamali ka lang. Hindi lang sa workload ha? Pati rin sa mga offense at violation. Hindi siya yung tipong naligaw ka lang ng landas gusto kana kaagad tanggalin sa trabaho. There's a reason why you got hired. You won't win against the other applicants if you are not fit for the role. If things get rough, you can always work it out. Astig ang boss mo kung alam niya at isinasabuhay niya na hindi na mga estudyante ang mga tao niya. He expects his subordinates to act like adults because they are adults and he will treat them like adults. If by any chance that they inevitably make mistakes, you and your boss will handle it like adults.

Kapag nasa lugar ang pagtrato sayo ng boss mo, ikaw na mismo ang mahihiyang bigyan siya ng sakit ng ulo.

5. Military Secrecy

I shall state the Military Secrecy for the benefit of those who don't know it.

"What you see, what you hear, what you feel, when you leave, leave it here."

Motto namin yan nung CAT officer pa ako nung HS. Angas diba? Madaling sabihin pero mahirap gawin. Hindi naman kasi talaga maiiwasan sa kahit anong institusyon at organisasyon ang chikahan.

Astig ang boss mo kung nakakapag-open ka sa kanya ng mga problema mo at kampante kang sa inyong dalawa lang yun. Kapag nahalata ng mga kasama mo na hindi ka okay at tinanong nila ang boss niyo kung anong problema mo, ang isasagot niya lang ay.. "Basta mabigat, hintayin niyo nalang na siya magsabi sa inyo." Not unless gusto mo rin talaga i-kwento sa mga kasamahan mo and you just want your boss to do all the talking for you.

Si Sir Jeff hindi ko pwedeng i-claim na perfect score siya sa military secrecy kasi hindi ko naman siya bantay sarado 24/7 pero sa mga iyak at pagbuhos ko ng personal na mga problema sa kanya, tried and tested ko naman na never kumalat dahil sa kanya. May makakaalam man na ibang tao, ako kasi mismo ang nagkwento. May times din na pinipiga namin siya kung bakit hindi nakapasok si ganito ganyan pero magbibigay lang siya ng hint.

Kapag ang boss mo yung tipong nakipag-inuman lang sa ibang tao (i.e. kabilang team, ibang department, management, etc.) tapos magugulat ka nalang alam na ng mga naka-inuman niya nung isang gabi yung latest chika tungkol sayo, walang kwentang boss yan. Laglagan pala eh, nag-open ka at inamin mo lahat ng nararamdaman mo tapos ichichika niya lang sa iba? Edi wow.

6. Perfectly Imperfect

Astig ang boss mo kung pinapakita niya sa inyo na hindi siya perpektong tao. Kaya nga may tinatawag na teamwork eh. Kahit supervisor o manager mo yan, mas mataas ang katungkulan niya kesa sayo, kapag nagpakita na siya ng kahinaan niya, nandyan ka para punan yon. Ganun lang ka-simple.

***

Sa totoo lang nung sinimulan kong isulat ito wala talaga akong clue kung hanggang ilang senyales ang mailalagay ko. Sa kadahilanang humaba nanaman siya nang hindi ko namamalayan, puputulin ko na muna hanggang dito ang blog post na ito.

At pagdating kay Sir Jeff, ang tagal ko na siyang hindi nakakausap at medyo mahabang panahon narin ang lumipas mula nung naka-trabaho ko siya pero diba? When you are a good leader, you tend to leave just the good memories to your subordinates. Yung kahit hindi mo na kasama sa trabaho, naaalala ka parin para sa magagandang bagay. Hindi tulad ng ibang boss, sinusumpa sila ng mga dating tao nila. Haha!

To Sir Jeff, I won't write a looooooong message for you dahil ang haba na talaga nito. Basta ang masasabi ko lang, thank you sa lahat. Salamat sa mga aral at talagang pinagkakalat ko ang mga natutunan ko galing sayo. Hindi ko ipagdadamot ang mga ito kasi naarbor ko lang din naman sayo diba. Haha.

"Kapag hindi tayo naiintindihan ng ibang tao, tayo nalang ang magpasensya dahil tayo ang mas nakakaintindi." -Jeff Magalong

Lagi kong dala yang prinsipyo na yan kaya mas magaling na ako umiwas sa mga ewan at na-kokontrol ko na ang mga emosyon ko. Kung makaka-trabaho mo ako ulit ngayon confident akong mas magiging proud ka pa sa akin.

Astig ang first ever boss ko. Ikaw, astig ba ang boss mo?

W

3 comments:

  1. i wanted you to be my boss someday :)

    ReplyDelete
  2. Not my first, but my 3rd bosses! Sayang hindi ako nag tagal sa kanila para marami pa ako natutunan sa management side. Nice write-up, keep it up! cheers!

    ReplyDelete
  3. Wala pa kong naencounter na ganitong boss. Lahat ng mga boss ko pinapahiya ako sa madaming tao pag nagkakamali.

    ReplyDelete

Relaks ka lang. Anong kumento mo?