Wednesday, May 27, 2015

3 Seconds

Limang buwan na ang nakalipas mula nung naghiwalay sila Nicole at Mark. Sa loob ng limang buwan na yun, walang naganap na komunikasyon sa pagitan nilang dalawa at lalong walang nagbadyang balikan. Limang buwan, sa karamihan, sapat na panahon na para magmove on at makatagpo ng bagong pag-ibig.

Describe natin si Nicole. Katamtaman ang height, maputi, kahawig ni Heart Evangelista na nakulangan ng konting paligo, at itim ang buhok na naka-bob cut. Naka-blouse, mini shorts, at flat shoes.

Wag na natin i-describe si Mark. Katamad eh, basta gwapo siya.

Bente kwatro oras sa isang araw, 60 minutes sa isang oras, 60 seconds sa isang minuto. Sa dami ng pagkakataon, naganap ang 3 segundo ng hindi inaasahang pagtatagpo.

1.. Sa paghakbang ni Nicole napagtanto niyang makakasalubong niya ang lalaking minahal niya ng apat na taon. 2.. Nagkatinginan sila at nagdesisyong umakto ng normal. 3.. Patuloy silang naglakad sa magka-salungat na direksyon.

3 segundo, 3 segundo lang ang kinailangan para mawalan ng saysay ang limang buwan.. ang limang buwan ni Nicole.


Sa dami ng lugar sa Metro Manila, sa araw na yun, mga 5:00pm, maitatanong mo bakit doon pa. Hindi mo masabi kung nagkataon lang ba o trip talaga ng tadhana.

Patuloy na naglakad si Nicole papunta sa kanyang destinasyon. Ang paborito niyang coffee shop kung saan kikitain niya ang tropa niyang si Rachel.

Describe natin si Rachel. Exact replica siya ni Wilonah Chan, yung author nito. Sa kanya naka-hango yung character na'to eh. Naka-sleeveless top, skinny jeans, at flip flops.

Pagdating niya run, nandun na si Rachel sa may smoking area, umiinom ng kanyang usual Iced Mocha habang nagyoyosi, yung reds.

Rachel: Tangina ang tagal mo, naka-ilang yosi na'ko kakahintay.

Nicole: Sorry na, order lang ako sa loob. May chika ako sa'yo maya.

Umorder na si Nicole, yung usual niyang frappe. Pumwesto siya sa katapat na upuan sabay sindi ng yosi, yung menthol.

Rachel: So what's the juice?

Nicole: *hithit yosi* Ang lala kanina sis, nakasalubong ko si Mark sa may kanto.

Rachel: Mark? Si Mark?! Yung ex mo?!

Nicole: Oo.

Rachel: Holy shhh! Hahaha! Oh tapos? What happened? Nagpansinan kayo?

Nicole: Sakto lang. *taktak yosi* Nagkatinginan lang pero walang hi hello.

Rachel: Fck ang awkward! *sindi yosi* Oh tapos? Mahal mo na ulit? Sakit te? Sakit pa? Hahaha!

Nicole: Ui grabe! Hindi ah! OA!

Rachel: Pucha, tignan mo nga naman ang pagkakataon ano. So, are you okay?

Nicole: Oo naman. *hithit yosi* Ano ba, 5 months na noh.

Rachel: Sure, if you say so. *ngiting aso*

Chikahan, kwentuhan, chismisan, wifi-wifi. Umorder ng spaghetti at carbonara. Lumipas ang oras hanggang sa dumilim na.

Nicole: Sis, ayoko pa umuwi.

Rachel: Gaga alam ko na yan, tara shot. May bagong inuman dun sa kabilang street.

Nicole: Sige try natin dun. Daan muna tayo sa tindahan, ubos na yosi ko. Magkano ba isang bucket dun?

Rachel: 200+ ata, sagot ko na. Libre mo nalang ako ng yosi.

Isang bucket ng Red Horse Stallion, 6 bottles. One-on-one session ng magkaibigan. Hindi sila pabebe, hindi sila tweetums, palaban 'tong dalawang 'to.

Rachel: Ano te? Ako nalang ba magbubukas ng gusto mong pag-usapan? Ena ka ako pa ba lolokohin mo. Mahal mo pa noh?

Nicole: Tss. Hindi, hindi ganun. Parang biglang na-miss ko lang.

Rachel: Kuya, yelo nga. *sindi yosi* Na-miss mo lang? Eh tangina para san pang naglasing tayo nang naglasing gabi-gabi nung kaka-break niyo lang? What? Back to square one? Gets ko Nics, 4 years din kayo pero diba ikaw naman ang nakipagbreak? Anong inaarte-arte mo dyan ngayon?

Nicole: Oo nga ako nga nakipagbreak, until now ginugusto ko parin naman yung decision ko. Napapaisip lang kasi ako kung bakit after all those months biglang makikita ko siya.

Rachel: Duh, natural, it's not like he went to another country. It's not something that you should be surprised about, maliit lang ang mundo niyo. Ano na ba kasing status ng mga boylet mo ngayon?

Nicole: Wala. Text-text, chat-chat sa Facebook. Dapat kikitain ko ulit yung isa kaso hindi lang talaga natutuloy. Kawalang gana na nga eh.

Rachel: Speaking of Facebook, na-unblock mo na ba si Mark?

Nicole: Hindi. Bakit? As if i-vview ko siya.

Rachel: Ulul. Alam ko na-vview mo parin siya noh. Araw-araw mo yan viniview.

Nicole: Hahaha! Oo na, hinihiram ko account ng kapatid ko. Kaso naka-private siya wala rin akong makita.

Rachel: Kuya, may wifi ba kayo?

Waiter: Ma'am wala po pasensya na po.

Rachel: Sige na nga mag-ddata nalang ako, punyeta. Gusto mo add ko ulit siya? Kasi diba inunfriend niya lahat ng common friends niyo? Pati mga kamag-anak mo? Walang makakapagbalita sa'yo kung anong latest noh. Malay mo, i-accept niya ako bigla. Game?

Nicole: Ui wag na. Baka ma-obvious.

Rachel: Tanga, ako naman eh, wala naman akong pake sa iisipin niya kung i-add ko siya. Haha!

*search* *adds Mark*

Pa-simpleng hinampas ni Nicole si Rachel pero halata namang excited din siya. Mixed emotions, asaran, tawanan, at makalipas ang ilang minuto..

"Mark *insert surname here* accepted your friend request." Boom, let the stalking begin.

Rachel: Wait lang, ako muna.

Nicole: Ano ba yan! Pa-suspense!

"Mark is in a relationship with Blah Blah"

Rachel: Oh shit.

Nicole grabs Rachel's smartphone. Heavy breathing, heart pounding, blood rushed all over her face. Clicks the link to the profile of Mark's new girlfriend. She's really pretty, has a great style, and sophisticated-looking. Sees some photos of them together.

Tumigil ang mundo ni Nicole. Nag-uumapaw ang insecurity niya. Sinampal na siya ng katotohanan, ang lalaking naging parte ng buhay niya sa loob ng apat na taon, ang lalaking iniwan niya, pinalitan na siya.

Rachel: Oi, shot. *cheers*

Parang wala sa sarili si Nicole. Si Rachel naman, bilang kaibigan at bilang kapwa babae, hindi nalang din nagsasalita masyado dahil marahil nauunawaan niya rin ang nararamdaman ni Nicole. Hindi sila pabebe, kaya hindi maaasahang sasabihin ni Rachel kay Nicole na "Okay lang yan."

Nicole: Bat ganun sis? Akala ko wala na sakin yun. Ang selfish ko ba? Biglang parang gusto ko kasi since ako umiwan sa kanya, gusto ko ako yung mas okay. Bat naunahan niya pa'ko?

Rachel: Eto ha, hindi usapang lasing 'to. Okay kana eh. Naging okay kana. Hindi mo naman na siya hinahanap-hanap talaga. Hindi mo naman siya sinusubukang ma-contact. Ni hindi mo na nga alam number niya eh. Oo siguro viniview mo siya minsan sa Facebook, pero nakalimutan mo na talaga siya as someone you actually love. Nawala na sa kanya ang atensyon mo. Ni hindi mo na nga rin kinakausap yung mga taong may koneksyon sa kanya kasi nga nawalan kana ng pakialam sa kanya. Eto lang yan eh..

1.. 2.. 3..

Hindi mo naman na sana siya maiisip nang ganyan kung hindi mo lang siya biglang nakita diba?

W

2 comments:

Relaks ka lang. Anong kumento mo?