Friday, October 30, 2015

Random Thoughts on the Philippine Cosplay Community of Today

Good day, Philippine Cosplay Community!

Honestly, I am not so sure if I am still part of this community but maybe the answer is yes. Just treat me as someone who's been observing from afar or more like an inactive member of the community. Well, that's because I have not been cosplaying nor attending events.

Be that as it may, my network on Facebook is quite big enough for me to accidentally know the issues of today. Y'know, yung tipong I'm just scrolling sa news feed ko tapos may mababasa na akong mga kung anu-ano.

Ang dami. Sobrang dami, may mukhang seryoso at may mga mabababaw. Good thing is that I never paid attention to the names and identities. I just read without giving a damn kung sino ang nagpost or kung sino ang pinapatamaan niya. Maybe slight? But if I won't get the info then it's okay.

Maybe if I'd blog about everything here, hindi ako matatapos at all. Ang dami talaga. Sobrang daming issues sa PH cosplay community over the years. Minsan nga pakiramdam ko mas malala pa sa showbiz ang hype eh. So siguro pipiliin ko lang yung pag-uusapan natin dito.

1. Sexy Cosplay
Ano pa nga bang uunahin ko? Syempre itong napapanahon. PH cosplay is evolving; the new bloods and even the old ones are starting to be more open to sexy costumes and daring cosplay characters. Natural, hindi ako kasama sa kanila. Sino ba naman ako para magpa-sexy eh lagi nga akong napagkakamalang buntis. Haha! Although kahit siguro sexy ako ngayon, hindi parin yata kaya ng guts kong rumampa in a sexy cosplay.


So what's the usual issue? Ano pa nga ba? Edi syempre ang pagiging conservative nating mga Pilipino. Or more like.. pa-conservative effect lang pala tayo. Haha. May kanya-kanya naman talaga tayong kalokohan, magaling lang tayo magtago. Anyway, so lately yung mga gumagawa ng sexy cosplay eh inuulan ng mga batikos. Yup, mga babae sila syempre. I don't think that people would even care kung lalaki ang nakulangan sa tela. Haha! Baka nga comedy pa ang kalabasan eh.


Sang-ayon ako sa freedom of expression. Ano bang pakialam natin kung trip nila ang sexy cosplay? Ikamamatay ba natin yan? Ika nga, if you have it, flaunt it! Pero relaks lang kayo, naiintindihan ko rin naman yung pinupunto ng mga kritiko. So ito ang suggestion ko..

Meet halfway.

I do believe na walang problema kung halos naka-hubad kana sa cosplay mo. Kaya lang, siguro mainam lang din na medyo ilugar natin ng konti sa tama. This is coming from a woman (me) who started cosplaying during her last teenage year and is now 4 to 5 years older since then.


Paanong ilulugar? Ganito kasi yan. Ipagpalagay natin na ang cosplay character mo luwang-luwa ang boobs, exposed ang tummy at konting tuwad mo nalang kita na ang bataan. Sure, go ahead, why not? Just save it for a photoshoot instead. It doesn't matter if you just want to show everyone how accurately you cosplayed this particular sexy character. Sa photoshoot kasi, lahat ng taong present doon ay open sa trip mo. Kahit bumukaka ka pa sa harap nila, ayos lang kasi alam naman nila kung anong pinunta nila sa photoshoot.

Pero kung yan ang cosplay mo tapos maglalakad-lakad ka sa kahabaan ng SM Megamall, tingin mo nasa lugar pa kaya? Again, it doesn't matter if you really just want to express your passion for cosplay through that sexy character. Ang akin lang, kapag rumampa ka sa harap ng buong sambayanan na naka-sexy cosplay, wag kang magreklamo kapag may narinig ka. Kapag may nakasalubong kang magulang na biglang tinakpan ang mga mata ng maliit niyang anak, wag kang ma-ooffend. Kapag binastos ka ng mga lalaki, wag kang iiyak. Kapag nagbawas ka ng tela at nagpakita ka ng laman, wag kang magdemand ng respect mula sa lahat ng taong makaka-salubong mo. Hindi ito victim blaming, kung matalino ka madali mong maiintindihan yung pinupunto ko.

Totoo, attention whore talaga magiging datingan mo. Ikaw ba naman nasa mall ka tapos sa dinami-rami ng characters yun pa yung napili mo for that particular place and time. Kung gusto mo parin ituloy walang problema yon. Buhay mo yan, pagkatao mo yan, katawan mo yan. Ako naman dito eh nagbibigay lang ng suggestion. Opinyon lang ba. Wag kang mainis dot blogspot dot com.


Wag mong alalahanin kung ma-bash ka online. 99% ng mga nakakita ng photos ng sexy cosplay mo eh sila naman talaga ang nagdala sa mga sarili nila sa page mo. The joke is on them. If they don't want to see what's "mahalay" for them, they brought it to themselves. Not unless gaga ka rin dahil pinost mo pala sa isang FB group na malinaw namang may rule na bawal magpost doon ng may cleavage, pwet, at singit. O kaya nag-upload ka ng daring na selfie tapos kung sinu-sino tinag mo sa photo mo. Malamang kapag ginawa mo yang mga yan, attention whore ka nga.

Edi sana nag-bold star ka nalang, push mo na kunwari ka pa eh.

So yun lang naman, depende parin kasi yan sa tao. Depende yan sa intensyon ni cosplayer at depende yan sa prinsipyo ng nakakakita. Hinding-hindi talaga kayo magkaka-sundo lahat pagdating dyan kaya the best thing to do is ilugar nalang. Hindi naman bawal gawin eh. Pwedeng-pwede kung tutuusin, nasa paglulugar lang talaga yan.

Another suggestion is that if you really want to pull off a sexy cosplay without getting all the negativity, just do it and don't give a single fck. The best way not to get hurt is not to care. Hugot!

One last thing, female cosplayers. Wag kayong maglaitan tungkol sa mga bagay na pareho niyo namang ginagawa. Mukha kayong tanga eh.

2. Keyboard Warriors
Susmaryosep PH cosplay community, ang tatapang niyo sa Facebook at sa kung saan-saang website na pwede kayong maging anonymous, pero kapag nagka-salubong naman kayo sa mga cosplay event saan na napunta ang tapang at angas niyo? Naiwan sa Internet?


Oo, confident ako na totoo ito. Of all people isa ako sa mga pinaka-nakakaalam nito. Sa dinami-rami ng bashers ko before, or some of them are self-proclaimed "critics", kapag sa cons naman lahat akala mo anghel kapag kaharap ko na, akala naman nila hindi ko alam na sila yun. Yung iba dyan magpapa-picture pa sa akin pero sa totoo lang ang dami ring sinasabing hindi maganda tungkol sakin, ang labo diba? O kaya sobrang tapang sa Internet, nung makakasalubong ko na biglang nagtatago akala naman nila hindi ko sila nakita. Yung totoo, proud kayo sa pagiging ganyan?

Oo, cosplayers, cosplay photographers and cosplay enthusiasts tayong lahat dito. Part of cosplaying is ang pag-iibang anyo pero grabe naman masyado niyo namang inapply sa mga pagkatao niyo. Doble kara.

Ano nga bang solusyon? Wala, sumuko na'ko dyan sa aspetong yan. Hindi na yan magbabago. Wag na tayong umasa. Hahaha.

3. Veteran vs. Rookie
Kahit wala namang cosplay competition, PH cosplay has become an everyday battlefield. Oo aminado ako kapag nakakakita ako ng masaklap na cosplay nilalait ko rin yan sa loob-loob ko pero never akong nangmata kahit baguhang cosplayer pa yan. Kapag may alam kayong ginago ko ng ganyan sa cosplay nila sabihin niyo sa akin at magsosorry ako agad, kung may mahanap kayo. Haha!


Oo, fine, ang mga beterano sa cosplay mahuhusay naman talaga yang mga yan. Ewan ko lang kung paano nga ba na-iidentify ang isang tao na veteran na siya o hindi pa. Yung iba nagtagal lang ng konti sa pagcocosplay feeling mega superior na. Ewan ko sa inyo.

Sa kahit saang larangan, may mga best rookie of the year. Hindi porket bago sila sa cosplay, eh pwede niyo na silang maliitin. O baka naman kaya kayo nagkaka-ganyan because you see them as a threat? Oops, did I hit a nerve? Haha.

Leche, sa stage lang may competition. Tigil-tigilan niyo na yang ganyan. Anong solusyon? Wala rin, tanggapin nalang natin na ganyan talaga. Parang sa school lang yan, seniors will always bully the freshmen.

4. Obligatory Picture Taking
Ohhh my gosh talaga hindi ko kinaya ang kababawan ng issue na ito. Sa totoo lang hindi ko parin talaga alam kung sino yung nagpost about it at buti nalang hindi ko na nalaman kaya kung nababasa mo man itong blog post ko, trabaho lang walang personalan. Haha. Hindi ko alam kung sino ka so don't take this as a personal attack. Nagtanong-tanong ako kung sino ka pero walang nagchika sakin so.. ayun.

Cosplayers, utang na loob, wag po tayong magtampo o magreklamo kung walang kumuha ng photos natin sa cosplay event. Alam niyo, it only proves that you are not cosplaying for yourselves. "We cosplay to express" niyo mukha niyo. Ang harsh ko siguro pero pasensya na hindi ko pa kasi naranasan yan at kung maranasan ko man, kung hindi naman ako nagkakamali nagkaintindihan naman kami ng sarili ko na kaya ako nagcosplay sa event na yan dahil gusto kong maging si Rinoa or si Misaki Ayuzawa at hindi ko kasi pwedeng gawin sa office o sa bahay yun kasi mukha akong tanga. Syempre pupunta ako sa lugar o event na lahat tayo mukhang tanga. Haha! Hindi dahil lang gusto kong ma-picturan ako. WTF? Yun lang purpose niyo? Ano ba yan ha? Konting sustansya naman oh.


Pero gusto niyo ng real talk? Hindi ako cosplay photographer pero naging congoer ako and I do believe na pare-pareho lang ang nasa isip namin. Nagpapa-picture kami o pinipiktyuran namin ang isang cosplayer kapag maganda ang cosplay niya. Ganun lang yun ka-simple. Hindi issue yung kesyo chix o sikat kaya yun ang nakakarami, marami na akong piniktyuran na hindi ko man lang kilala kung sino sila. It's just because I appreciate their work of art. So malamang sa malamang, ang pangit SIGURO ng cosplay mo. Hindi yung character ah, kung paano mo dinala yung character, kung paano mo inexecute yung cosplay mo mismo.

Yan, yan yun. Hindi dahil hindi ka sikat, wala lang talaga SIGUROng dating ang cosplay mo. At kaya siguro walang masyadong aura ang cosplay mo, dahil nga kasi sa intentions mo kung bakit ka nagcocosplay. Kung ang purpose mo ay para lang dyan sa lintik na picture taking na yan, at wala na talagang mas makabuluhan pang dahilan, it will show in your work. It will never naturally shine because you have all the stupid intentions.


Wag tayong magtanim ng galit sa mga cosplay photographers kung dinaanan lang nila tayo at hindi nila tayo inimbitahan for picture taking. Hindi nila yun kasalanan sa atin. Wag natin silang pagsalitaan na para bang may atraso sila sa atin just because they did not take our pictures, just because they approached someone else for a cosplay photoshoot.

Napag-usapan nalang din ang photoshoot, at mananatili naman itong blog post ko hanggat hindi ko maisipang burahin, matapos kong dikdikin ang inyong mga damdamin, nais kong wag kayong magalit sa akin. If you really want to experience a cosplay photoshoot, just approach me and maybe if I have time, I can arrange a collaboration for you. I'm not promising anything but malay mo, nice timing ka. I am blogging to express my thoughts with a hope of opening people's minds, not exactly just to piss you off. And so I am here to help. I can even join you in the collaboration. Cosplay photoshoot ba? Madali lang yan, it's just a matter of communication. Kung maraming cosplayers ang gustong magshoot, marami ring cosplay photographers ang gustong magshoot.

So wala nang tampuhan, pwede ba yun?

***

Photo credits to the respective owners. All photos are embedded via original URLs.

If you realized a lot of things after reading this blog post, then I am very happy for you. If you want to share your thoughts, feel free to comment below. If you want to tell me your thoughts in private, just send me a message on Facebook, just search for Wilonah Chan. If you need anything from me, whether it's a collaboration or whatever, just tell me and we'll see. If you have violent reactions, go ahead. I might care or not. Depends on my mood.

Cosplaying is supposed to be fun. Let us not ruin it with such petty issues, really. What I have written here is not meant to generalize everyone in the Philippine Cosplay Community, just so we are clear. Hindi naman lahat ganyan, okay?

It's just based on my observation and this is entirely just my opinion.

I love cosplay, always have and always will.

W

7 comments:

  1. dahil naopen mo na din naman ang sexy cosplay, meron bang gumagawa nyan locally na hindi nauuwi sa pag cacarshow at fhm? mahirap kasi dto sa bansa natin kapag ibang bansa gumagawa supportado agad, pero kapag local lng minamata, nirarant pa nga eh, hindi ako masyadong fan ng mga sexy cosplay dahil ung mga nakikita ko nauuwi din sa fhm at no offense hindi mganda tngin ko sa mga gnun, pro opinion ko lng un syempre.

    ReplyDelete
  2. nice blog po. i do hope you continue to share more of your thoughts regarding the cosplay community :) mejo nakakarelate ako dun sa veteran vs newbies xD, first time ko po kasing magcraft ng armor (gilgamesh fate series), aun napagtripan ng mga magagaling na crafters. hehehehe. pero it encouraged me to practice crafting, on the process pa ako. sana makabawi ako next event xD

    ReplyDelete
  3. Wait... One more issue ng cosplay sa PH is, how peopke understand what cosplay is... Meronka naman sigurong nakitang posts about cosplay tapus mukha lng pinapakita.. Di na daw nila kaikangan ng costume kasi mukha palang daw, cosplay na sila.... ��

    ReplyDelete
  4. followed you ! nice post !

    ReplyDelete
  5. Im just an Otaku Congoer, but well said mate xp

    ReplyDelete

Relaks ka lang. Anong kumento mo?