Conversation with a direct superior from the past while on yosi break
Siya: May nakapagsabi sakin dangerous ka raw, that you are a threat to my position.
Ako: Dangerous? Big word. *smiles* *hithit yosi* Yes, that's true, I am a threat to your position but the question is, how am I going to do it? For me it's a positive thing, dapat naman talaga ang right attitude ng isang subordinate is to want to get promoted to a certain position. Kesa naman yung kuntento nalang na habambuhay nasa entry level position tapos chill-chill at sakto lang magtrabaho. Inaamin ko, gusto ko yang posisyon mo at para magkaron ako ng chance na makuha yan, natural kailangan ma-bakante muna yan. So kailangan i-angat muna kita. Kaya nga ginagawa natin lahat para hindi bumagsak ang metrics natin diba? Nag-uunpaid OT pa'ko para lang salain lahat ng tasks so that no auto-fail goes out the door. If our team performs well, the credit goes to you. If that happens, ikaw ang papalit sa outgoing AM and that's the time that I will apply for the position na maiiwan mo.
Siya: Kaya nga, alam ko naman yon. Kung anu-ano kasing sinasabi sakin, na mag-ingat daw ako sa'yo.
Ako: Kung sino man yang nagsasabi sa'yo, siya talaga yung may gagawing hindi maganda para makuha yang posisyon mo. Tinutukoy niya yung sarili niya, hindi ako. Sarili niya yung sinasabi niyang "dangerous", hindi ako.
I will never know if it's really true that there's someone against me. It turns out though, before I left the company, that there's a high chance na wala naman talagang bumubuyo sa kanya. Yung sinasabi niyang narinig niya sa ibang tao, maaaring sariling opinyon lang talaga niya 'yon.
Sa totoo lang kahit saang kompanya mo ako dalhin lapitin talaga ako ng ganyan eh. Not to brag but I just know myself. I know how career-oriented I am and I admit that I am a workaholic. If I hit the metrics, it does not stop there. I always go for an extra mile and that's how I work ever since. Hindi ako marunong tumanggi sa task, pati mga side projects "yes" lang parati ang sagot ko. You give me a deadline, I'll finish it earlier than expected. Oo, palong-palo ako magtrabaho kaya wala akong panahon sumipsip. Para sakin kasi, hindi ko kailangang kaibiganin ang mga boss, they just have to look at how I do things and it would already speak for itself. Kung marunong kang tumingin, you would know that I care about what we do in the office. Hindi ako yung tipong basta may matapos lang. I let my work establish my relationships because numbers don't lie.
Conversation with a subordinate from the past
Ako: Anong baon niyo today?
Siya: *steps back* Madam, pinagsabihan po kasi ako ni _____ na wag daw po kami masyadong lalapit sa'yo kasi manager daw po kayo.
Ako: Ha? Break naman ah. So anong gagawin ko? Kakain akong mag-isa?
I don't get this, really. I am not a boss, I am a leader. Reyna ba'ko para ilayo ko ang sarili ko sa mga mas nakaka-baba ang rank sa akin? Oo, naiintindihan ko yung selosan at yung mga paratang na may favoritism and hindi naman ako gumagawa ng mga bagay that would bypass the chain of command or break barriers. Pero diba? Pinanghahawakan ko ang mga aral na pinasa sa akin ng mga dati kong boss. I give to a janitor the same level of respect I give to a president. Kaya kung may superiority complex ka, wag mo akong piliting tumulad sa'yo, ganun lang ka-simple ang prinsipyo ko. Sa loob ng opisina, trabaho tayo. Sa labas, lalo na kapag oras ng pagkain, walang rank-rank sakin. Pahingi ako ng baon mo, bigyan din kita kung anong meron ako dito. Hahahaha!
Sa totoo lang, whatever you do, hahanapan at hahanapan ka talaga ng butas ng ibang tao lalo na kapag ikaw yung palong-palo magtrabaho. Kaya ako, I still choose to be myself. Transparent parin ako kahit kanino. Wala akong kadala-dala, kahit yun din yung nagiging way para pabagsakin ako. Ang akin lang, mahila mo man ako pababa, pareho lang tayong nasa ilalim, hindi mo parin naman ikaaangat yon, sasamahan lang kita sa pagiging miserable sa baba. Wala pa akong nakitang humila sa akin pababa tapos umangat dahil don.
Another conversation with a subordinate from the past
Siya: Madam hindi naman talaga totoo yung binibintang niya, ito pa nga po yung mga ginawa ko tignan niyo.
Ako: Alam mo yang mga ganyang sumbong-sumbong na yan hindi ako nabibilib dyan. Hindi ako basta-basta naniniwala kapag nagsisiraan kayo sa harap ko. Kasi kung kaya niyong gawin sa isa't isa yan, halimbawa may panay ang sumbong sa akin tungkol sa iba, what gives me the assurance na yung taong yon won't do the same thing to me kapag hindi ako nakatingin? Yang paratang sa'yo hindi naman yan sa'yo magrereflect eh, magba-backfire yan sa naninira sa'yo dahil ang magiging tingin ko lang sa kanya eh ganyan siyang klase ng tao.
Ang dami ko laging sinasabi diba? Oh well, ganun ako eh. Para malinaw, kaya lang, dahil din dyan kaya lagi akong taken out of context at aware naman ako run.
Siguro, kung marunong lang sana akong mamulitika, complete package na ako. Kaya madali akong nasisiraan ng ibang tao kasi tamad akong ipagtanggol sarili ko, masyado na akong nasanay as the bad guy. Eh wala naman kasi akong time pabulaanan lahat since I am ridiculously busy working on my deliverables. Yung focus ko nasa trabaho ko, workaholic nga eh, uunahin ko pa nga career ko kesa sa pamilya ko eh, ganun ako ka-adik magwork. Kaya wala akong amor lumapit sa mga boss para magpabango ng pangalan.
It just takes the right leader to see that in me. I already met one 3-4 years ago, I am hoping that I will meet another this time.
What's my point in sharing some of the MANY experiences I had? In a workplace, seriously, y'all gotta stop bringing down each other. You need to feel the euphoria of engaging in a professional battle wherein you just give your all and do your very best. It's never fun to win through sabotaging other people's work or obtaining something out of destroying your rivals. I don't even know if you could call that a victory. Always remember, kapag binaba mo ang ibang tao, binababa mo rin ang sarili mo. Kaya punyeta ka, learn something new, innovate, go for an extra mile, finish strong, and slay with your best work performance. Idaan mo sa husay ng trabaho, hindi yung mas marami ka pang time sa chismisan.
W
Sobrang good read nito. :)
ReplyDeleteSobrang good read nito. :)
ReplyDelete