That's just a quick summary of my networking experience. Malamang sasabihin nanaman ng mga defensive networkers dyan na napunta lang kasi ako sa bad set of uplines kaya ganito ang pananaw ko. Oh c'mon networking freaks, I'm wiser than that. Hindi naman siguro ako BA graduate para magtanga-tangahan lang. You know how it is kahit saang networking company ka mapunta, dogs eat dogs. It's a wild jungle out there.
Totoo naman, if you have extra money to burn, kung malawak ang network mo, may charm ka, magaling kang magsalita, at sobrang tiyaga mo, may pera naman talaga sa networking. Mababawi mo naman din talaga yung binaba mo in the future. Hindi naman imposible yon.
Ang gusto ko lang sanang i-elaborate dito ay yung side ng networking na puno ng kasinungalingan at panloloko. Hindi mo kailangang masaktan kung networker ka na nasa tuwid na daan. Out ka rito.
So here it goes..
User Friendly
Dito ako pinaka-bwisit eh. I'm sure marami sa atin yung may mga "friends" na matagal na nating hindi nakakausap, yung tipong pagkakaintindi pa nga natin is na-FO (Friendship Over) na tayo ng mga taong yun. Tapos biglang isang araw magpaparamdam sa Facebook, kukunin number mo, akala mo kamustahan at reunion na ang magaganap yun pala pagkatapos ng ilang taon na no communication pasasalihin ka lang pala sa networking nila. Pagsasalitaan ka pa na parang close na close ulit kayo.
Me: Sasakit lang ulo mo sakin wala nakong tiyaga sa ganyan. At saka broke na broke ako.
Him/Her: Tanga! Edi mas lalong kailangan mo 'to! Kaya nga ako tumigil magtrabaho para dito eh!
Isipin niyo yun? Tatawagin kang "tanga" after all those years that you never talked? Na para bang isang malaking pagkakamali na hindi mo siya sasamahan sa trip niya at napaka-tanga mo na kapag hindi ka pa talaga sumali. Tapos kapag tumanggi ka mawawala na ulit sila sa mundo mo, no paramdam at all. Napadaan lang kumbaga.
Hindi ba kapag broke ang isang tao, kahit pamasahe man lang hirap pang magproduce, how is that correct na mas kailangan kong sumali kung wala akong ibababa. Wala akong panlibre ng kape sa mga possible downlines. Wala akong extra money para magmukhang mayaman.
Nakakalungkot lang, na itong mga taong ito makakaalala lang magparamdam kapag may kailangan sila sayo, at yun ay ang sumali ka sa networking nila.
Kalokohan.
Puro Porma
Hiraman ng Lacoste shirts. Test drive ng mamahalin na kotse na hindi naman sa kanila talaga pero kunwari kotse nila yun. Pasahan ng mamahaling relo. Display ng luxury pens. Post ng photos ng cheke na hindi naman sa kanila. Post ng photos na may hawak na maraming cash, yun pala last year pa yun una't huling kita na nila, hindi na nasundan.
Sino bang niloko nila? Akala ba nila naisahan nila tayo? Oo, marami nga siguro silang napapaniwala na mayaman na sila dahil sa networking dahil sa galawan nilang yan pero ginagago lang din nila mga sarili nila eh. They believe in their own lies that they own these luxurious things and earn such figures pero ang realidad eh mga upline lang talaga nila ang mayaman. Lahat hiram, lahat panggap. Ang daming yabang sa katawan kahit hindi naman paldo-paldo ang bulsa.
Kung networker ka at ganito ang galawan mo, ask yourself, are you proud of bragging about things that are not really yours? Lying to all those people na kumita kana. Tol, sarili mo ang pinaka-una mong niloloko, hindi sila.
Kalokohan.
Misleading
Eto talaga ang pinaka-sikat at talamak na galawan ng mga walang kwentang networkers eh. Buti pa yung iba, umpisa palang sasabihin na sayo na networking ang pupuntahan ninyo. Ako ganun ang style ko dati eh, para once na nandun na kami sa cafe or restaurant, we'll talk about business right then and there at sigurado akong yung mga kausap ko interested talaga sa networking dahil umpisa palang sinabi ko nang MLM opportunity ang offer ko.
Eh itong mga 'to, yayayain ka kape, o kaya gig, date, photoshoot, job application yung tipong pinagdala ka pa ng resume, o kung ano pa mang raket yan na magpapa-convince sayong pumunta at maglaan ng oras.
Tapos pagdating mo run papaandaran ka ng "Open-minded ka ba?" "Tignan mo muna baka magustuhan mo, nandito kana rin lang eh." "May rason kung bakit napadpad ka rito ngayon, baka oras na para yumaman ka." "POWER!!!"
You felt deceived, right? Pinaghandaan mo pa outfit mo kasi akala mo okasyon ang pupuntahan mo. Yun pala ginago ka lang ng nagyaya sayo.
Think, kung talagang successful yang networking ng kausap mo, why on earth do they even have to deceive people? Why can't they give it straight? Diba parang napaka-desperate nila kasi mukhang wala talagang gustong pumunta? Ganun na sila kauhaw magkaron ng downline kasi hindi pa nila nababawi yung binaba nila. Galawang pulubi diba?
Kalokohan.
Mapilit
Oo, kapag networker ka, dapat palong-palo ka naman talaga. Kaya lang yung iba wala na sa lugar. Mapilit eh. Pipilitin ka nilang magproduce ng pera para makasali ka.
Oo, gusto mo naman talaga sumali eh. Kaya lang hindi pa ito ang tamang oras. As a business grad, para sa akin, there's no problem if you want to join as long as it's the right time for you. As long as you have the EXTRA money for it. You don't risk your primary budget. Hindi mo dapat ipambaba ang pangkain mo, pambayad ng renta at bills, at panggatas ng anak mo. Katangahan yun. Dapat yung naitabi mo lang na pera na hindi mo kakailanganin ASAP. Dahil sa networking, wala kang mababawi hanggat wala kang first 2-4 downlines, or kung wala ka pang benta ng products. How sure are you na pagka-sali mo bukas bawi mo na? Duh.
So itong mga mapilit na ito, sa sobrang atat nilang pagka-perahan ka, dedemonyohin kang isangla ang mga gamit mo, ibenta phone mo, UMUTANG ka muna sa ibang tao. Pucha, wala ka pa ngang kita may utang kana agad diba. Para lang may pumasok nang komisyon sa kanila dahil sa pagsali mo. Kapag ganyan ang kausap mo wala talagang pakialam yan sa pagyaman mo, ang tanging nasa isip niya lang ay ang pagyaman niya. Bahala ka sa buhay mo kung magkanda-utang-utang kana basta makasali ka lang. Sus tulungan daw. Buti sana kung siya mismo magpapa-utang sayo, walang interes at walang deadline, basta kumita kana tsaka mo nalang sya bayaran.
Kalokohan.
Hater
When I say hater, ito yung mapanlait sa career and business. Kesyo networking ang dapat at hindi ka tao kapag empleyado ka o may sarili kang negosyo.
Hawak mo ang oras mo? Gasgas na yan. Oo wala ka ngang shift, pero diba ang sama ng dating kapag hindi ka umaattend at naghahatak ng recruits sa mga scheduled seminars? Badtrip upline mo sayo kapag hindi ka kumikilos at naglalaan ng maraming oras diba? Yung mga successful networkers ba masasabi talaga nilang hindi sila naging busy? Wala silang hinabol na oras kahit kelan? Wala silang mga scheduled meetings na required nilang puntahan?
Natural lang sigurong ikumpara ang networking sa pagiging empleyado at pagkakaron ng sariling negosyo. Pero tandaan niyo rin na kahit kayo mismo napag-aral, nabihisan, at napakain ng mga magulang ninyo dahil sa mga sweldo at kita nila sa negosyo. Wag niyo naman lait-laitin ang ibang source of income porket hindi sila networking. Nakinabang din kayo dyan and I do believe that they are still the safest.
Why? Sa networking wala kang kita kung hindi ka makaasikaso ng recruits o products. Sa trabaho siguradong may kita ka sa akinse at katapusan. Sa negosyo siguradong may kita ka basta may customer. These are facts. So wag niyong basta minamaliit ang career and business. Punyeta, ang yabang-yabang mo magsalita eh mas mayaman kana ba sa mga Ayala at Sy?
Isa pa, yung iba nagttrabaho hindi naman para sa sweldo lang eh. More on personal and professional growth din. They love what they do and they get paid for it. You should respect that, hindi yung papaandaran mo na magresign nalang kasi mas okay sa networking. Kargo mo yan kapag napaniwala mo ang isang tao na networking ang best option para sa kanya, nagresign siya sa trabaho niya o kaya pinabayaan na niya negosyo niya, tapos hindi naman siya nagprosper sa networking. Konsensya mo yan pre.
Kalokohan.
***
Ang dami-dami pa, ayoko nalang habaan pa ito eh ang haba-haba na nga. Na-iimbyerna narin kasi ako habang inaalala ko lahat ng mga kalokohan na'to. At gutom narin ako. Haha.
Uulitin ko, hindi ko nilalahat. Ang sinasabi ko rito ay yung mga puro panloloko lang ang alam. Full of greed and deceit. Kung networker ka at hindi mo naman gawain ang mga ito, edi congrats, nasa tuwid na daan ka. Wala kang nasasaktang tao at wala kang pinapaikot. Hindi ka nananamantala ng iba para lang sa pera.
W
Nkakarelate ako sa "dedemonyohin kang magsanla o magbenta ng gamit". It happened to me. They were asking me to pay 8.5K right away. I said wala akong ganung pera at the moment. then she said, may koche ka wala kang pera. Ang lakas maka putang ina lang. So parang gustong ibenta ko ang koche ko para lang makapag bayad ng 8.5K? Leche! Hahaha
ReplyDeletehahahaha truelaloo lahat ng post mo dito...ganyan na ganyan nangyari saken nung pumunta ako sa isang job offer daw...Bullshit...
ReplyDeleteTotoo po yan kuya. Nakakasakit po ng damdamin pag nilalait ng mga networkers na yan ang mga professionals na katulad ko. Ang yayabang hindi pa naman yumayaman power power pa
ReplyDeleterelate much... matapos kaming mag pay-in (7 heads sa akin, 4 heads sa gf ko, 4 heads sa tatay ko, 1 head sa nanay ko) x [7,999 each] after ilang buwan iiwanan ka ng upline mo tapos yung ibang upline mo pa uutangan ka... akala ko ba mayaman at malaki kita nila? bat nangungutang pa? bwiset... ito ang darkest months ng buhay ko na hanggang ngayon eh bumabawi pa rin ako sa mga nasayang na panahon, missed opportunities at mga nasayang na pera ng dahil sa MLM na yan, nagkautang utang ako dahil sa mga walang kwentang upline na yan.... may natutunan din naman ako, pero ang di ko malilimutan eh maraming mga walang kwentang networker dito sa pinas.... kung mababasa nyo ito mga kasama ko sa ________ eh bahala kayo kung masasaktan kayo, sinasabi ko lang ang totoo....
ReplyDeleteLast week noong nag solo traveler trip ako, may nagpakilalang dalawang guy sa akin na mga taga-Manila pala. Yung isa, paborito kong kausapin kasi parehas kami ng hilig at gusto, kaya nagpalitan kami ng contact number at Facebook accounts nang walang alinlangan sa side ko. Usapang "pang-tao" naman ang topic namin, pero napapansin ko na na merong kakaiba sa choice-of-words nya, gaya ng "Hawak ko ang oras ko", "May time ako sa pamilya ko", at "Libre ang travel sa business ko", pero hinayaan ko na lang muna.
ReplyDeleteTapos pagbalik ko sa Maynila, niyaya ako na mag-kape daw. Pumayag naman ako. Tapos noong nagka-kape na kami (Libre nya), at ayun na nga, sinasabi ko na nga ba... Umarangkada na ang pagi-introduce nya sa MLM scheme nya! Sinubukan ko siyang ilihis sa ibang topic, pero hindi, Networking talaga ang pakay niya sa akin kung bakit nya ako niyaya. Tatlong oras nya akong tinangkang i-engganyo sa business nya like "Malaki ang kita dito", "Yayaman ka dito", "Ako nga, may Maldives trip na next year", "Malaki ang pera dito kahit nakaupo ka lang". Wala talaga akong balak sumali una pa lang, pero bilang pakikisama e lampas-tenga na lang akong nakinig sa mga sinasabi nya.
Pero sa bandang huli, salamat at na-realize din ni guy na wala siyang mapapala sa akin kaya umalis na kami at habang naglalakad na kami sa mall, bigla kaming may nakasalubong na babae at lalaki na kasamahan pala ni guy sa networking. Ipinakilala ako ni guy sa kanila na ako ang ino-orient nya sa "great business opportunity" nila. At tapos e ang tanong sa akin nung girl, "So how would you rate our business opportunity from 1 to 10?". Dahil sa pakikisama ko, ang sagot ko lang ay "8/10". Tapos nagtanong ulit, "O... why, what's the remaining 2 about?". Sagot ko, "It's a matter of whether I'd take it or not". And then laking gulat ko nang tinatapan ako ni girl, as in 5 inches na lang ang agwat namin, tapos nilabas nya yung malaking tablet nya at mga sampu o kinse minutos kaming nakatayo sa gitna ng mall sa daanan ng mga tao, para lang ipagmayabang sa akin ang pics nya sa Asian cruise trip ng company nila, at kung hindi ko pa siya pinatigil e hindi siya titigil sa pag andar ng bibig nya at pag invade sa personal space ko. Sheesh, kung ako lang e greedy, inggitera sa mga mayayaman e matagal ko nang pintulan ang MLM na yan. Take note, P38000+ lang naman ang kailangan sa akin para sumali ako sa kanila, tapos ine-encourage akong mangutang sa iba kung wala daw akong pera. At ang pinakang-nakakaasar pa sa lahat e yung nilait-lait nila ang career ko. Helloooo... marangal ang trabaho ko bilang Programmer, at hindi ko kailangang manloko ng iba para yumaman ako. Tumibok agad ang ugat ko sa noo sa sinabi nilang yun.
Kaya kung meron mang mag-aalok sa inyo ng kape tapos hindi nyo pa kilala, ang sabihin nyo kaagad ay "Sige, pero hindi ito tungkol sa Networking ha? At hindi ako open-minded sa business". At kapag hindi siya nakasagot doon, e di tumakbo ka na.
Haha,., Ang puso! Tsk3,., muntik na ako dun ah., haha., Hindi naman kami close dati,., haha,. Nice blog. :D Keep it up,., Thanks
ReplyDelete