Friday, February 6, 2015

Religion and Hypocrisy

Disclaimer: Wala akong babanggitin na kahit anong relihiyon dito, kahit sarili kong relihiyon hindi mo mababasa rito. Tutal sa sobrang talamak ng annoying combo na religion + hypocrisy, applicable talaga 'to sa kahit kanino, regardless of religion. Kaya mag-isip ka muna bago ka mag-aklas. Pigilan mo yang defense mechanism mo.


Hindi ako relihiyosong tao at lalong hindi ako bihasa sa teolohiya. Hindi rin naman ako demonyo, minsan mukha lang talaga akong galing sa impyerno dahil sa naiibang pag-iisip at pananalita ko; malayo sa konsepto ng pagiging mabuting tao na nilikha ng lipunan. Nabuo ang mga pananaw ko base sa aking pansariling konsepto ng pagiging tao.

Naniniwala ako na ang pagbibigay pugay sa Diyos ay walang saysay kung puro kabanalan lamang ang alam mong isabuhay. Naniniwala ako na ang una at pinaka-mahalagang sangkap ay respeto. There is no point in being holy if we don't know how to be humane first.

Ang klase ng tao na pupuntiryahin ko rito ay tawagin nating banal. Sa blog post na ito gawin nating synonym ng salitang banal ang hypocrite. Therefore, dito, banal means hypocrite. Banal = hypocrite, malinaw na malinaw na yan ah?

Ang mga punyetang banal na walang ibang alam kundi gamitin ang salita ng Diyos upang mang-alipusta ng kapwa. Ang mga huwad na banal na puro pananampalataya lang ang alam ngunit subalit datapwat wala namang gawa. Hindi nila namamalayan sa mga sarili nila na nagpapanggap lang silang mabuti. They are so good at pretending that they believe in their own lies.

Oo, sige na, para sa kanila angat sila sa karamihan dahil perfect attendance sila sa simbahan. Oo, sige na, para sa kanila automatically mas mabuting nilalang na sila dahil hindi sila umiinom o nagyoyosi. Oo, sige na, lapastangan ang mga sumasabak sa premarital sex, hindi katanggap-tanggap ang pagiging bakla o tomboy, at kasuklam-suklam ang mga nakakagawa ng mga bagay na sa tingin ng mga banal ay malaking pagkakamali. Oo, sige na, porket panay ang bible study nila at sinusunod nila ang J.A.P.A.N. (Just Always Pray At Night), binigyan nila ng basbas ang mga sarili nila na magkaroon ng karapatan na mangmata ng ibang tao na sa tingin nila ay namumuhay nang taliwas sa kanilang paniniwala.

When the lights are out and the curtains are closed, you will see their true colors. Kapag wala nang nakatingin at wala nang nakakarinig, yung mga bagay na kinokondena nila tungkol sa ibang tao, eh pucha, ginagawa rin naman pala nila. Sabi nga sa kantang Playing God ng Paramore, "Next time you point a finger, I'll point you to the mirror." 

Kung tutuusin nakakaawa rin naman ang mga banal, namumuhay sila sa mundo na kailangan nilang itago ang katotohanan tungkol sa mga sarili nila. Sapagkat takot din silang mahusgahan ng mga kapwa banal nila. Sus, only God can judge us? Bullshit. We judge each other everyday. Everybody can play god.

Kadiri raw ang mga sex scandal at bastos talaga kahit ang ideya palang ng sex. Sagrado raw ito at ginagawa lamang ng mga mag-asawa. Pero wag ka ang mga banal, ang lakas din naman manood ng porno, patago nga lang. Hindi lang yon, ginagawa rin naman talaga nila kasama ang kanilang mga nobyo at nobya, tapos magdadahilan na magpapakasal naman din daw kasi sila sa huli kaya ayos lang. Tangina noh? Banal eh.

Super toothbrush, mouthwash, laklak ng mint candy, alcohol sa kamay, at todo spray ng pabango bago umuwi. Eh paano, galing pala sa inuman at medyo naparami ang yosi at alak. Pero kapag kasama nila ang mga kapwa banal nila, ang lakas magsalita na wala silang bisyo at may bayag pa yang mga yan na pagsabihan ang iba na itigil na ang bisyo dahil masama sa kalusugan at taliwas sa turo ng Diyos.

Yung magpaparinig sa Facebook, magpopost ng status tungkol sayo, magsusulat siya ng mga bagay na sa tingin niyang ginagawa mong mali, lalaitin ka pa, tapos sa huli lalagyan niya ng "God Bless You." "God Bless nalang sa'yo." "I will pray for you nalang." para ang ending ng parinig niya ay mabait siya at siya ang may maturity. Tapos yung mga kapwa banal niya magcocomment ng "Chill." "Relax." "Easy ka lang, puso mo." "Hayaan mo na yun wag mo na pansinin." kahit sa totoo lang yung mga nagcomment may kanya-kanya rin namang rant posts sa mga timeline nila. Tapos ang next post niya, hulaan mo kung ano nilalaman, edi syempre, bible verse! Tapos nakalagay - feeling blessed. What the fuck is that shit, really?

Nandyan pa ang religion wars. Ang mga lintik na banal makikipagbalitaktakan sa social media upang ipaglaban na ang kanilang relihiyon ang natatanging tama. Dapat sumagot ka sa kanila na may kasamang bible verse, complete with the chapter and page number, gusto mo isama mo narin kung saang publishing galing ang bibliya mo. Leche. Aasarin ka nilang talunan kapag wala kang naitapat na bible verse dun sa bible verse nila. Para kang nasa korte, a provision or an article will always be contradicted by another. Kung ganyan lang din ang nagagawa ng relihiyon sa mga banal, edi sana wala nalang palang religion, edi walang divisions.

Kung isusulat ko rito lahat ng sitwasyon na nagsusumigaw ang hypocrisy ng mga banal, magiging libro na'to. Religion will always be an endless discussion, a never ending argument. Kahit nga sa mga inuman, kapag nagkaka-lasingan na, walang katapusang justification sa kanya-kanyang relihiyon ang maririnig mo. Sa huli, magrarambulan nalang.

Ibabalik ko sa unang punto ko kanina, walang saysay ang pananampalataya kung hindi mo sasamahan ng respeto. Maaari mong ibahagi ang salita ng Diyos sa iba, wala namang problema doon, pero walang nasusulat na ipagpilitan mo sa kanila. Wala kang karapatang manghimasok sa buhay ng ibang tao at lalong hindi dahilan ang pagiging banal mo para makialam ka sa kanila. Hindi basehan na pinaglalaban mo lang kasi ang kabanalan mo para magpakita ka ng tapang na wala sa lugar. Don't you ever dare use God to justify your disrespect to others.

Kung gusto mo makipagbastusan ayos lang din naman yon, basta makipagbastusan ka habang binibida mo ang tunay mong pagkatao, hindi yung gagamitin mo pa ang salita ng Diyos.

Respect begets respect. You don't even need to memorize the whole story of the Bible, you only need a superpower called common sense for you to be able to show utmost respect to others. 

W

1 comment:

  1. Yes you are heavenly correct! Billions of atheist and respectfully-minded religious people of all denomination are with you. Unfortunately non-respecting, extremist and close-minded people of the human race do not and will never agree with you. Since the advent of Homo sapiens 200,000 years ago, the idea of God and the practice of religious beliefs is a perpetual curse on humankind. Like what Karl Marx have said; "Religion is the opiate of the people!"

    ReplyDelete

Relaks ka lang. Anong kumento mo?